PL 26

1 0 0
                                    

---

Nilalaro ko ang mga daliri ko habang naghihintay sa sasabihin ni Tiya. Nasaksihan niya ang nangyari kanina sa garden at hindi ko alam bakit pumuputok ang buchi niya. Bigla lang siyang pumasok sa eksena at pinatigil sila saka ako hinila papunta rito sa opisina niya sa palasyo.

"Catherine," tumigil ako sa paglalaro ng daliri at nag-angat ng tingin sa kanya. Nakayuko siyang nakaupo sa lamesa niya at magkasiklop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. "I am not sure of what you are up to but it seems you forget about our deal?" Itinaas niya ang ulo at malamig akong tinitigan.

"Po? Deal?" Ano'ng deal pinagsasabi niya?

Natawa siya ng mahina at umiling-iling na parang may napagtanto. "Oh, my bad. Nakalimutan kong nawalan ka pala ng alaala." Ano kayang ibig niyang sabihin?

"That day..." yumuko siya at may kinuha sa drawer ng mesa niya. "We sealed a deal, an agreement." May kinuha siyang brown na envelope. Dala-dala niya ito nang lumapit sa akin at umupo sa kaharap kong sofa.

Inilipag niya ang envelope sa mesa sa harap namin at tinulak palapit sa akin. "Nagkasundo tayong ilipat mo sa akin ang karapatan ng pagdedesisyon at pamumuno sa kaharian, hija."

Ha??

Hindi ako nakapag-react kaagad sa sinabi niya. Hindi ko alam paano mag-react dun. Magugulat ba o magtataka o magagalit o ano?

Ano'ng iniisip ni Catherine at inilipat niya ang kapangyarihang iyon sa iba? Well, hindi naman iba si Tiya kasi prinsesa rin naman siya, kapatid ng hari. Pero, kahit na. Bakit? Sa anong dahilan?

"Sa araw ng kasal mo, pinuntahan mo'ko rito sa opisina at pinirmahan ang kasunduang ito. Pumayag naman ako dahil naaawa ako sa'yo. Iyon lang ang tanging paraan upang matulungan kita. Mahal na mahal mo ang prinsipe kaya pumayag kang lumipat sa kaharian niya. Ngunit mahal mo rin ang kahariang ito kaya ibinigay mo na lamang sa akin ang kapangyarihang mamuno rito. Naiintindihan ko naman dahil nagmahal ka lang."

What the heck.

Napamasahe ako sa noo. Tangina. Nagkabuhol-buhol na ang mga impormasyon sa utak ko. Iyong mga inakala kong pieces ng puzzle na natagpuan ko ay parang bigla na lang naglaho matapos marinig ang sinabi ni Tiya.

Inabot ko ang envelope at kinakabahang binuksan. Tahimik kong binasa ang laman nito at binitawan rin kaagad nang makita sa huling bahagi ang pirma at fingerprint ni Catherine. Kulay pula ang fingerprint niya. "Sinugatan mo ang sarili mong daliri para diyan." Saad ni Tiya.

Nakasaad sa papel na si Catherine mismo ang nagbigay ng karapatan kay Tiya. Nasapo ko ang noo. So, all this time? Mahal ni Catherine si Frederick kaya siya pumayag sa kasal at ibinigay ang karapatan sa Tiya dahil sasama siya kay Frederick at tumira sa kaharian niya? Tangina? Trahedya ng pag-ibig ba 'to?

Pero bakit parang wala namang gusto si Frederick kay Catherine?! One-sided love ba? Kung ganoon, bakit pumayag si Frederick maikasal kay Catherine?!

At ano ang dahilan ng pagkamatay ni Catherine? Aksidente lang ba ang nangyari? Pero bakit siya hinahabol ng mga lalaki? Bakit sa bangin siya natagpuang walang malay?

Higit sa lahat, kung ganito naman pala ang mga nangyari, bakit ako nadamay?! Ano'ng koneksyon ko sa problema nila e hindi nga ako taga-rito, e!

Ohmygod!

Feeling ko masu-suffocate na ako kaya umalis na ako sa opisina ni Tiya. I need some air!

Tulala akong naglalakad. May mga bumabati sa akin pero hindi ako nakabati pabalik dahil pakiramdam ko nakalutang sa ere ang utak ko at puno ng hangin.

Nabalik lang ako sa wisyo nang mapansing may tubig sa harapan ko. Nilibot ko ang paningin at napagtantong nasa likod na bahagi ako ng palasyo. Mayroon parang lawa sa harapan ko. Naalala ko ito. Ito yung view mula sa sikretong silid-kainan ni Catherine.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now