PL 15

8 3 0
                                    

---

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Malamig ang atmospera sa loob ng kotse. Hindi lang dahil sa aircon kundi dahil sa dalawang taong nasa harapan ko ngayon.

Simula kasi nung umalis kami sa bahay ay lumamig ang trato nila sa isat-isa. Isang tanong, isang sagot. Pinapansin lang rin nila ako sa tuwing dadaan kami sa isang fast food chain para bumili ng makakain. Ganito ba sila sa tuwing nag-aaway o ganito sila palagi?

Tumingin ako sa labas ng bintana, umiwas ng tingin, nang aksidenteng magtama ang mata namin ni Mama sa salamin sa itaas. Siguro masasagot lang ang tanong ko kapag makakasama ko na sila manirahan sa iisang bubong sa susunod na mga araw.

Matagal ang biyahe pero hindi ako nakaidlip kahit isang beses man lang. Napapapikit na lang ako kapag kumikirot na naman ang ulo.

"Dadaan tayo sa hospital kapag nakarating na sa siyudad." Mabilis akong napatingin kay Mama. "Bakit po?" She sighed. "Hindi natin alam kung napano ka sa ilalim ng balon. Kailangan mong magpatingin." Agad akong umiling.

"H-huwag na po. Ayos lang po ako." Baka malaman niya ang sakit ko!

"Doctor lang ang makakapagsabi kung maayos ka o hindi." Umiling-iling ako. "Okay lang po talaga ako. K-kung gusto niyo ay ako na mismo ang magpapatingin...bukas o sa makalawa."

Nilingon niya ako mula sa upuan niya. Nakakunot ang noo at akmang ibubukas ang bibig pero hindi natutuloy. Nagbuntong-hininga na lang siya at umayos ng upo. "Fine. If that's what you want." Napabuga ako ng hangin. Muntik na.

"Are you in college now? What course did you take?" biglaang tanong ni Connor.

"I didn't get to college, Sir."

"Tito Connor na lang, hija." Suggest ni Mama.

"Tito..." ulit ko.

"It's fine. You can call me anything you prefer." Tumango ako. Tito na lang. Kaysa naman Papa, 'diba?

Sinagot ko ang mga tanong niya. Kung ano ang naging trabaho ko, kung saan ako nag stay, kung ano ang natapos ko. Nagbuntong-hininga ako. Hindi pa pala ako natatanong ni Mama tungkol sa ganitong mga bagay.

Nakatitig ako sa labas ng bintana nang muli na namang nanahimik. Napaisip tuloy ako. Isang himala pala na nagising pa ako pagkatapos nang pagkahulog ko sa balon. Buong gabi akong nasa loob. Nakaubo ako ng tubig pagkalabas roon. Ibig bang sabihin ay buong gabi akong nakalutang sa tubig sa ilalim o baka dahil tumalon ako sa ilog doon sa misteryosong mundo?

Sana panaginip lang ang lahat ng iyon. Mga bangungot na makakalimutan rin balang araw. Pati na ang mga taong nakilala ko doon.

Mukhang hindi naman nila ako dinukot o kinidnap for ransom or gagamitin ang organs ko for science purposes. I just wanna think they're just jokes. Na biro lang ang pagkakapadpad ko doon. Na wala naman talagang ibang ibig sabihin ang lahat ng mga 'yon. Isang malaking palaisipan kasi kung paanong napunta ako sa lugar na 'yon nung tumalon ako sa balon at kung paanong nakabalik akong buhay na doon lang natagpuan sa balon.

Biglang pumasok sa isip ko si Aleng Diday. Ayiee. Charot.

Isa pa kasi 'yung matandang 'yon. Naaalala ko sa kanya si tanda. Ang daming sinasabing hindi ko magets. Ang daming alam. Sarap ipatumba, e.

Nakarating na kami ng Maynila. Maya-maya ay lumiko kami sa isang subdivision. Tumango si Tito sa bodyguard na nagbabantay kaya dire-diretso lang ang pagpasok namin.

Hindi naman ganoon kalayo ang bahay nila mula sa entrance ng subdivision. Isang likuan lang yata at kanila na ang bahay na nasa kanto ng crossing. Malaki ang bahay. May yaya na lumabas mula sa pintuan sa loob at binuksan ang malaking gate. Dinerecho ni Tito ang sasakyan sa garage.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now