PL 3

5 4 0
                                    

---


"Pang ilang araw na ba siyang walang malay? Wala ba siya sa delikadong sitwasyon? Ano raw ang sinabi ng manggagamot?"

"Natural lang daw na hindi kaagad siya magigising dahil isang linggo siyang naroon sa bangin. Himala nga raw at buhay pa siya, e!"

"Talaga ba? Jusko. Sana umayos na ang lagay niya at nang maliwanagan tayo sa kung ano ang nangyari sa kanya. Kawawang prinsesa..."

"Masuwerte talaga ang batang iyan, ano?"

"Oo nga. Siya lang ang nakaligtas sa nangyaring trahedya sa pamilya nila, hindi ba?"

"Tapos ngayon ito naman. Hindi talaga siya nilulubayan ng panganib. Mabuti na lamang at kakampi niya ang Diyos."

"Siya pa naman ang magmamana sa naiwan ng pamilya niya. Sino kaya ang may gawa sa kanya niyan?"

"Syempre, sino pa ba? Edi 'yong bruhang 'yon! Tinatanong pa ba 'yan?"

"Pst! Tumigil na nga kayo at baka magising niyo pa ang Mahal na Prinsesa. Lumabas na kayo at asikasuhin ang palasyo. Linisin niyo na rin ang bakanteng silid dahil dadating ang Mahal na Prinsipe mamaya at baka'y dito magpapalipas ng gabi."

"Hala! Ang prinsipe po? Ayiee!"

"Labas na!"

May naramdaman akong mainit na haplos sa aking kamay. Hindi pamilyar ang haplos na iyon. Pati ang mga boses na naririnig ko kanina ay hindi rin pamilyar.

"Catherine, hija. Alam kong naririnig mo ako. Magpagaling ka, hija. Kailangan ka pa ng kaharian ninyo. Ang mga tao ay sa iyo na lamang umaasa. Ikaw na lamang ang inaasahan nilang tutulong at aahon sa kanila mula sa pagkakalugmok. Please, Catherine..."

Catherine?

Minulat ko ang isa kong mata kasunod ng isa. Kurap kurap ang mga mata at unti-unting nilibot ang paningin sa paligid.

Unang dumapo ang mata ko sa kulay ginto at kumikinang na kisame. Sunod ay ang liwanag na nanggagaling sa malaking bintana ng silid. Kumunot ang noo ko. Langit ba ito?

"Hija..." bumaling ako sa matandang babae na nasa gilid ko. Nakaupo siya sa kama kung saan ako nakahiga.

Nakahiga? A-anong...

Nanlaki ang mata ko nang makitang may makapal, malambot at mukhang mamahalin na kumot sa akin. Nasa isang malaking kama ako na alam kong hindi akin!

Tinaas ko ang tingin at lalo lang nagulat. Ang lawak ng kuwarto ay parang triple kalaki ng bhaus! Watda...nasaan ako?!

Bumalikwas ako ng bangon at tarantang bumaba sa kama. Tumayo iyong matanda sa harapan ako at nameywang. Hindi ko siya kilala!

"S-sino ka? Bakit ako nandito? Kinidnap niyo ba ako? Inabduct?!" tinakpan ko katawan gamit ang braso. Depensa ba.

"Ano bang pinagsasabi mo? Huminahon ka nga---"

Tinabig ko ang kamay niyang akmang hahawak sa balikat ko. "Don't touch me! Gosh! Hindi kita kilala!"

Nilagpasan ko siya at tumakbo papunta sa pintuang nakikita ko. Ito lang ang malaking pintuan rito kaya tingin ko'y ito ang pintuan palabas ng kuwarto.

"Catherine!" Napihit ko na ang doorknob nang haklitin niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Ano bang nangyayari sa iyo, ha? Epekto ba iyan ng pagkakauntog mo? Huminahon ka at bumalik sa kama!" sabay turo niya sa malaking kama.

"Why would I follow you? Hindi sabi kita kilala! Ano ba itong nangyayari? Pina prank niyo ba ako? May shooting ba dito? May hidden camera?" inilibot ko ang mata sa bawat corner ng kuwarto upang makita ang camera.

The Well (Parallel Love)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum