PL 4

5 3 0
                                    

---

"Gising naman na siya, e, kaso---P-princess Catherine! A-anong ginagawa mong bata ka?!"

Hindi ako makagalaw sa posisyon ko kahit pa dumating iyong matandang babae. Nakatitig lang ako sa guwapong nilalang sa harapan ko ngayon. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya dahil hindi niya rin inaalis ang kaniya! Titig na titig siya na para bang may mali sa mukha ko.

Salubong ang makapal niyang kilay. Ang bughaw niyang mga mata na nagsasabi kaninang namangha siya o nagulat ay blangko na ang ekspresyon ngayon. Bilis maka change mood ng Lolo niyo.

Hinila ako palayo ng matanda at itinago sa likod niya. Hindi ko alam bakit niya ginawa iyon. Sumilip akong muli sa lalaki. He's still staring at me!

Pinasadahan ko siya ng tingin. Kung totoong tao ang mga Prince Charming sa mga fairytales, siya iyon. Bulky and lean. Tall, dark and handsome ang peg. Nakasuot siya ng kasuotang hindi normal isuot panggala. May nagsusuot pa ba ngayon ng pang prinsipeng suot? Kulay blue iyon na may kapa at kung anu ano pang mga kaek-ekan.

 May nagsusuot pa ba ngayon ng pang prinsipeng suot? Kulay blue iyon na may kapa at kung anu ano pang mga kaek-ekan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Just imagine him a bit dark. Btw, the guy in the picture is not intended as a roleplayer.)

Hindi maitatangging bagay sa kanya ang suot niya. Kumikinang ang suot niyang mga pilak at ginto sa damit na nagpapakinang rin sa nagsuot.

Gosh! He is staring too much.

Nakagat ko ang pang ibabang labi. Tinaasan niya ako ng kilay bigla. Lumunok ako at nagtago na lang sa likod ng matanda. Naalala ko iyong salubong ko sa kaniya kanina. Nakakahiya!

"Pasensya ka na, Prince Frederick. Ipagpaumanhin mo ang padalus-dalos na inakto ng aming Mahal na Prinsesa. W-wala siya sa wisyo ngayon, e."

Pinanlakihan ko ng mata ang matanda nang lingunin niya ako. Pinanlakihan niya rin ako ng mata. Tumigil-ka-look.

Anong wala sa wisyo?!

"It's fine. I was startled but it's fine. How is she, by the way?" Oh, wow. What a deep and husky voice he has! Lalaking lalaki. Pogi points iyon.

Nilabas ko ang ulo mula sa pagkakatago sa likod ng matanda. I smiled at him. "I'm fine!"

May kumurot bigla sa puwetan ko. "Aray! Ano ba!" Sinamaan ko ng tingin iyong matanda na masama na rin ang tingin sa akin. Ano bang ikinagagalit niya?! Ako nga dapat ang galit, e!

"Sama mo makatingin, ah? Ano? Ikaw pa ang galit ngayon?! Ano? Away o gulo?!" kunwari ko pang hinihila ang manggas ng damit ko paitaas sa balikat ko na parang nanghahamon nga ng away. Patalon-talon na parang nasa boxing ring.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now