PL 24

2 2 0
                                    

---

Kung alam ko lang na kakainin ko rin naman ang mga pinagsasabi ko, sana tinahi ko na lang ang bibig ko.

"Isa pa, Mahal na Prinsesa. Hindi tayo matatapos ngayong araw kung hindi kayo aakto nang maayos---"

Tamad akong tumayo at lumipat ng upo. "Oo na nga oh, eto na." I murmured. Nakakairita.

Nagpatong na ng tatlong may kakapalan na libro sa ulo ko si Rosette. Itinaas ni Ruselda at Shian ang magkabila kong braso at ang palad ko ay binuksan at ni-level sa may ulo ko at pinatungan ng tig-iisang libro. Hindi ko naman alam na kasali pala sa pagiging isang Prinsesa ang maging robot.

Nagsimula na akong maglakad nang dahan-dahan. "Itaas ang noo, ipasok ang tiyan, ilabas ang dibdib, ilabas ang puwet." Paulit-ulit na banggit ng isang propesor.

Pinapalakad niya lang ako sa iisang linya sa sahig na iginuhit niya. "Kamahalan, ang puwet..."aniya. I arched my back so I could protrude my butt.

Narinig kong natawa si Shian. Napahinto ako at lumingon sa banda nila. Umayos ito ng tayo nang makita akong nakatingin sa kaniya. Si Rosette at Ruselda ay sinaway siya pero halatang nagpipigil ng tawa. Walangya. Mukha siguro akong shunga ngayon.

"Continue, Princess Catherine..." humakbang ako ulit at pabalik-balik na ginawa iyon nang ilang beses. Nang matapos na kami ay bumagsak lahat ng libro at humilata ako sa sahig.

"Kamahalan!" Nagsilapitan ang tatlo. Ang propesor ay huminto sa harapan ko at mahinang sinipa ang paa ko na nakabukaka. Mataas naman ang damit ko pero hindi siguro kaaya-aya kaya pinagtabi ko na lang.

"Bukas muli, Kamahalan. Magandang gabi sa inyo." Yumuko ito ng isang beses bago umalis ng silid.

Pumikit ako. God, I'm so tired.

Ang propesor na yun ay ni-hire ni Tiya. This is how a princess supposed to be, aniya. Sa mga movies na napapanood ko ang mga prinsesa ay may napaka ideal na mga buhay. Iba pala sa katotohanan.

Nakakapagod.

"Nais niyo na bang matulog, Kamahalan?" Marahang tanong ni Shian. Umiling ako. "Gusto kong kumain..." saad ko.

Kaagad tumayo si Shian. "Masusunod, Kamahalan. Saan ko po ihahatid?"

"Sa kuwarto," sagot ko.

Pag-alis ni Shian ay nagpatulong ako kina Rosette at Ruselda na bumangon. Ang sakit ng likod ko. Tang ina. Parang may buto akong nababali. Spinal cord ko ata?

Inalalayan nila akong maglakad pabalik sa kuwarto. Nang dumating ay lumangoy kaagad ako sa kama. Iba talaga pakiramdam ng kama basta pagod ka. Wholesome.

***

"Ganito ang paghawak, Mahal na Prinsesa..." iginiya niya ang violin sa leeg ko at ang paghawak ko rito. "Sige, ulitin natin natin." Umulit ulit kami at ginagaya ko ang mga daliri niya at kung paano ito patunugin nang tama.

Sa pagtutugtog na naman kami ngayon nag-aaral at nakakangalay talaga. I love music, okay? Pero hindi ibig sabihin nun ay willing na akong tumugtog at kumanta. Kahit willing pa ako ay hindi naman talaga ako magaling kumanta. Natututunan naman ang pagtugtog pero hindi buong-buo ang loob kong gawin ito.

Nang matapos kami sa violin ay sa isang instrument naman kami tapos sa iba naman hanggang paulit-ulit kami at halos mahilo ako sa nangyayari.

"Ilabas niyo 'ko dito," pagmamakaawa ko. Napatungo si Shian at Ruselda habang si Rosette naman ay awang-awa na sa akin.

Binigyan ako ng limang minuto ng propesor para mag meryenda raw. Pero ang utak ko ay nagwa-wander na sa kung saan. Nilipad na ng hangin ang utak ko. Tang ina. Gusto ko nang umuwi sa mundo ko.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now