PL 6

4 2 0
                                    

---

Lumabas ako ng kuwarto at naabutan ko roon si tanda na nakatayo sa gilid ng pintuan at nasa likod niya ay limang babaeng nakalinya at nakayuko. Ang kamay nila'y nakasiklop at nakalapat sa kanilang tiyan. Simbolo iyon ng pagbibigay galang. Kung tama ang naiisip ko, isa nga akong prinsesa sa lagay ko ngayon.

May hallway sa kanan at kaliwa ko. Sa harap ko ay isang dingding na kulay dirty white. Ang kisame ay kulay puti rin na may mga palamuting kumikinang na mga pilak. Ang ilan ay mga pearl yata na maliliit na kulay ginto. Dahilan iyon upang kuminang ang kisame.

Naglakad ako patungo sa hallway sa kanan ko habang nakanganga pa rin na pinagmamasdan ang paligid. "Saan ka pupunta, Princess Catherine?" Napahinto ako sa tanong ni tanda. Lumingon ako at nakitang naroon pa rin sila sa gilid ng pintuan.

"K-kakain."

Umiling-iling siya at pumikit. Nagbuntong-hininga siya at binuksan ang mga mata. Iminuwestra niya ang kamay sa kaliwang hallway na nasa kanilang likuran. "Dito ang daan, Mahal na Prinsesa."

Nakamot ko ang batok. "Uh..." hapyaw akong tumawa, "...n-nakalimutan ko lang. Ha ha ha..." Umiling-iling ako habang pekeng tumatawa na naglalakad roon sa kaliwang hallway.

Nakita ko pang palihim na nagtitinginan ang mga babae sa likod ni tanda. Nakakunot ang mga noo nila. Buset. Nakakahiya.

Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa likod ko habang naglalakad. Kahoy rin yata ang sahig dahil sa tunog ng tsinelas ko sa sahig. Ang tsinelas na suot ko ay parang bakya. Ito ang naroon sa gilid ng kama ko kanina, e. Malamang para sa akin ito.

Tumabi sa akin si tanda at nilapit ang bibig sa tenga ko. "Bakit hindi ka nagbihis? Baka magtagpo ang landas ninyo ngayon ng mahal na prinsipe!" bulong niya. Umirap ako. Ayan na naman siya.

"Ano naman ngayon? Para namang Diyos ang makakaharap ko at kailangan pang mag-ayos. Wala rin namang pake ang lalaking 'yon, 'no. Ang sahol pa ng ugali. Hindi naman inaano. Psh," umikot ang mata ko.

Tinampal naman niya bigla ang braso ko. "Aray!" Sinamaan ko siya ng tingin. Kung prinsesa ako dito, bakit ang sama niya sa akin? Hindi naman kami close.

"Umayos ka, ah? Lalo na bukas. Bibisita dito ang Tita mo at ang mga pinsan mo." Aniya. Tita at mga pinsan? Lols. Wala akong tita at lalo na mga pinsan. Saka bukas sisiguraduhin kong wala na ako dito. Tatakas ako ngayong gabi. Maghahanap ako ng tiyempo mamaya.

May puting pinto sa dulo na naghihintay sa amin. Nang makarating doon ay binuksan ni tanda iyon. Hindi ako nakagalaw kaagad sa posisyon ko nang makita ang nasa loob.

Laglag ang panga ko nang lalong buksan ni tanda ang pinto. Ang buong paligid ay kumikinang.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Sa tanang buhay ko ay hindi ko napanaginipan man lang na makakakita ng mga ganitong bagay. At ngayon ay makakatapak pa ako.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now