PL 21

1 2 0
                                    

---

"Paano niyo nalaman ang pangalan ko? Paano niyo nalamang hindi na si Catherine ang nasa loob ng katawang 'to? Paano niyo nalamang...baka hindi na ako makabalik sa amin? Paano niyo nalamang hindi ako taga rito?"

Bumuntong-hininga ako habang nakatukod ang siko sa papag ng bintana at ang palad ay nakadikit sa pisngi, nakatulala sa labas ng bintana ng kuwarto ni Manang. Ito yung kuwarto niyang nasa second floor.

Inaya ako kanina ni Manang na dito na lang raw muna kami sa kuwarto niya sa taas kasi masakit daw ang likod niya. Si Andres naman ay nasa duyan kanina sa harap ng ilog noong lumabas ako para sabihing ipaalam kaagad sa akin kung sakaling dumating sina Rosette kaya doon na rin daw siya sa duyan magbabantay.

Noong nakita ko nga siyang nasa duyan kanina naalala ko si Frederick. Malaking tao rin kasi itong isang 'to, e. Ganda ng likod ng mga lalaking nandito.

Bumalik ako sa wisyo nang maalalang may tinatanong nga pala ako kay Manang at hindi pa niya sinasagot. Lumingon ako sa kanya at naabutan siyang nakaratay na sa higaan at tulala sa maalikabok niyang kisame.

"Hello? Baka gusto mo akong sagutin, 'no?"

Isang sulyap lang ang ibinagay niya at binalik ulit ang tingin sa itaas. Umirap ako. "Ano bang tinitignan mo diyan? Nandyan ba ang sagot sa tanong ko?" Ani ko habang tinitignan rin ang kisame.

"Hindi naman talaga kita kilala..."

Bumaba ang tingin ko kay Manang. "Po?"

"Hindi ko talaga alam ang pangalan mo. Sinubukan ko lang banggitin ang pangalang nasa isang misteryosong papel ilang dekada na ang nakakaraan..."

Kumunot ang noo ko.

"Hindi ko naman aakalaing...ikaw nga iyong tinutukoy roon. Andriette..." biglang binalot ng lamig ang batok ko mula sa hangin sa labas ng bintana.

"Ngunit ang nakakapagtaka...bakit nasa katawan ka ni Catherine pumasok sa dinami-rami ng katawan sa mundong ito?"

"Iyan talaga ang pinagtatakhan mo ngayon?" nameywang ako sa harap niya.

Kumunot ang noo niya nang tignan ako. "Bakit? Ano ba dapat?"

"Hello! Mas nakakapagtaka kung paano nagkaroon ng ganitong mundo? At bakit ako nandito? Paano ako nakapunta rito? Magic? Ganun?"

"Mahika...bakit hindi?" ngisi niya.

Ngumiwi ako. "Adik ka ba? Mahika mahika ka diyan. Hindi 'yan totoo. Wala na'ng mahika mahika sa panahon ngayon---"

"Sa panahon ninyo. Pero sa panahon namin, meron pa."

"Ha! Nakakatawa ka talaga mag joke, Manang."

"Hindi ako nagbibiro." Seryoso niyang saad. "Ang balon...naaalala mo pa ba?"

Kaagad napantig ang tenga ko sa salitang iyon. Ang balon...

"Ang balon na iyon ang tanging daan patungo rito. Huwag mo na akong tanungin kung paano nangyari 'yon dahil hindi ko rin alam. Sabihin nalang nating bigla nalang itong lumitaw sa kung saan."

Lumapit ako at umupo sa paanan ng kama. "Pero bakit alam niyo ang tungkol sa balon? Kung yun ang daan papunta rito, iyon rin ba ang daan palabas?"

Bumangon siya at umupo saka bumuga ng hangin. "Sa tingin mo?"

Hindi ako nakasagot dahil hindi pa rin klaro sa akin. Tinaasan ako ng kilay ni Manang kaya ngumuso ako at padabog na bumalik sa harap ng bintana.

Naiinis kong kinamot ang batok at humarap kay Manang."Pero bakit nga ba ako nakabalik rito?!" frustrated kong sigaw.

The Well (Parallel Love)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें