PL 11

3 3 0
                                    

---

Tulala lang siya na nakatingin sa bintana buong biyahe. Ako naman ay sa kanya nakatulala. Magkatapat kasi kaming nakaupo. Kaharap ang isat-isa.

Dugo ang inubo niya. Tinanong ko siya kung bakit nangyari iyon pero iniirapan lang ako. May pakiramdam ako kung ano ang dahilan ng panghihina niya ngayon at pag-ubo ng dugo.

Umiwas ako ng tingin nang sinulyapan niya ako. Bumaling ako sa bintana. Nadaanan namin ang isang gubat kanina na nasa harap ng palasyo at paglabas ay mayroong medyo mahabang bridge na dudugtong sa bayan daw.

Nang may madaanan kaming mga kabahayan kanina ay medyo bumigat ang pakiramdam ko dahil ang mga klase ng bahay na meron sila ay mga barong-barong. Mga bahay na hindi na masyadong sikat sa pinanggalingan ko. Ibig lang sabihin ay nasa malayong kabihasnan ako. Napapaligiran ng mga taong hindi ko kilala.

"Huwag kang mag-alala. Lahat ng tanong mo ay masasagot rin pagdating ng panahon."  Bumalik ang tingin ko kay tanda. Kumunot ang noo ko.

"May alam ka, no?"

Suminghap siya at ngumisi. Ngisi na natatawa. "Walang nakakatawa! Ano ang alam mo?!"

"Hindi ko alam ang lahat, hija." Mahinahon niyang sagot.

"Hindi alam ANG LAHAT? Pero meron?"

Nagkibit-balikat siya. Padabog akong nagkrus ng braso at busangot na bumaling muli sa bintana.

Simula sa pag biyahe namin, wala pa akong nakikitang mga building maliban sa palasyo. Kung may sementado man, kulay yellow na orange na brown naman ang kulay ng semento at may maliit na bintana sa harap tapos pintuan sa tabi. Ganoon lang.

Bakit naman ang palasyo lang ang malinis at marangya tignan? Paano naman ang mga taong ito na nasasakupan nila? Pati rin ba sa lugar na ito mayroong discrimination and injustice?

"Iderecho mo sa bahay ko, Kanor." Napabaling ako kay tanda. Ang ulo niya ay nakatingin sa maliit na bintana sa likod niya kung saan nakaupo sa labas ang nagmamaniobra sa kabayo. Nagmamaniobra ba ang tawag dun? Hehe

"Hindi ka ba muna magpapagamot? At saka, akala ko ba pupunta tayo ng palengke?" Tanong ko sa maputlang matanda.

Pumikit siya bigla at humugot na malalim na hangin. Umayos ako ng upo. "Nahihirapan kang huminga?" Nag-aalala kong tanong.

Hindi siya umimik. Tumabi ako sa kanya at hahawakan sana siya sa likod nang tampalin niya ang kamay ko. "Aray!"

"Kaya ko ang sarili ko. Dito na, Kanor." Tumigil ang karwahe. Binuksan ni Kanor daw ang pintuan sa tabi ni tanda at inalalayan ito na bumaba. Sumundo ako sa kanya pagbaba at inalalayan din ni Kanor.

"Salamat, Kanor. Bumalik ka kaagad sa palasyo. Pagdating na pagdating mo ay gawin mo ang inutos ko. Maliwanag?" Tumango si Kanor. May katandaan na pala siya. Nagsimula ng maglakad si tanda palayo.

"Salamat, Kanor---" naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang yumuko na nakatuko ang isang tuhod sa lupa.

"Mang Kanor na lamang po, Kamahalan." Nakakagulat talaga ang ginagawa nilang biglang pagyuko. Ano ba dapat ang tugon ko sa paggaganiyan nila?

Tinapik ko na lang siya sa balikat at kumaripas na ng takbo patungo kay tanda. Tinabihan ko siya at sinilip ang mukha niya habang naglalakad.

"May lason 'yon, no?" Sinipat niya ako ng tingin at inignora.

Tumawa ako. "Ayan kasi. May balak ka pala talagang lasunin ako, ah? Tignan mo. Ikaw pa nahulog sa sarili mong bitag. Tingin mo talaga mauuto mo ako? Psh. Hindi ako matalino pero hindi naman ako tanga. Sus.'Wag ako." Sabay hair-flip.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now