PL 27

2 0 0
                                    

---

Nauna kaming umuwi ni Mang Kanor dahil nahihilo ako. Sa pagod siguro at sobrang pag-iisip. Bumibigat lalo ang ulo ko.

Pinayagan kong doon muna si Shian buong gabi para naman makasama niya ang pamilya niya. At ang regalo...kinuha ulit ni Shian. Sabi niya'y siya na ang bahala mag explain sa kanila tungkol roon.

Nagpaalam lang ako sa kanila bago kami pumanhik.

Nang tumigil ang karwahe pagkarating sa likod ng palasyo, bumaba na ako pero umupo muna ako roon sa ikatatlong baitang ng hagdan. Bumaba rin si Mang Kanor at umupo hindi kalayuan sa akin.

"Ayos ka lang ba, Kamahalan?" Tanong niya. Ngumiti lang ako at tumango. "Alam mo bang hija ang tawag sa iyo ni Kuya Simon?" Napatulala ako kay Mang Kanor. Kuya...Kuya Simon. Iyon ang driver ni Catherine, na Papa ni Shian.

"Malapit na malapit kayo sa isat-isa dahil malapit na kaibigan ng Mahal na Hari ang kuya." Close pala sila ni Catherine. "Noong namatay ang Mahal na Hari, inihabilin niya kay kuya ang pag-aalaga sa iyo. Hindi lang dahil sa pakiusap ng Hari kung bakit ka prinotektahan ni Kuya. Dahil rin napamahal na siya sa'yo. Mas marami pa nga siyang oras sa'yo kaysa sa pamilya niya."

"Malaking malaki ang tiwala mo at ng Hari kay kuya. Si kuya naman...masyadong matapang. Tignan mo saan siya bumagsak ngayon."

"H-hindi ko po maintindihan. Ano pong ibig niyong sabihing masyadong...matapang?"

Mapait na ngumiti si Mang Kanor at tumingala sa langit. "Kinalaban niya na kahit ang makikinang na ginto, maprotektahan ka lang."

Ano raw? Makikinang na ginto?

Napansin yata ni Mang Kanor ang lalong pagkalito ko kaya mahina itong tumawa at tumayo na. "Huwag ka nang magtitiwalang muli, Kamahalan. Kahit pa sa mga taong malapit sa iyo. Kahit pa sa akin. Huwag mong hayaang maulit pa ang nangyari noon. Baka ang pinagkakatiwalaan mong tao ang siyang mismong sasaksak sa inyo patalikod. Magandang gabi, Kamahalan."

Two straight nights na akong walang tulog. Nababagabag ako sa pinagsasabi ni Mang Kanor kagabi! Ayan tuloy ang lalim lalim ng mata ko at nangingitim pa ang sa ilalim! Ano ba naman 'to!

Simula nang dumating ako ulit sa mundong ito, hindi na ako nakakatulog ng maayos. Mabuti na lang talaga maganda itong si Catherine kaya hindi masyadong pansin ang kasabugan. Well, magkamukha naman kami.

Bumangon na ako at naligo muna. Wala sina Rosette kaya ako na lang bahala magsuot ng damit ko.

Hirap na hirap ako sa pagsusuot. Sa corset pa lang, aabutin yata ako ng isang oras. Hindi ko naman kasi alam paano ito itatali roon sa likod kasi sina Ruselda naman ang gumagawa noon para sa akin.

Sa huli, pinili ko na lang suotin iyong kulay puti at mahabang dress. Para itong night gown. Pero bahala na. Mamaya na lang ako magbibihis ng maayos kapag nariyan na sina Rosette.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Inaasahan kong may mga katulong na nakatayo at nagbabantay roon gaya ng dati pero wala akong naabutan.

Naglakad-lakad ako at pumasok sa ibat-ibang pintuan hanggang sa nakarating ako sa malawak na daanan na pamilyar sa akin. Ang dulo nito ay ang grand staircase ng bahay at sa baba noon ay ang malaking area na kaharap ang main door. Dito kami dumaan ni Manang noon at nakita ang pagpasok ni Tiya.

Pagkarating ko sa gitna ay humawak ako sa barandilya at dumungaw sa ibaba. Ang laki talaga ng palasyong ito. I wonder kung may parte pa ba ng palasyo ang hindi ko napuntahan.

Ilang sandali na akong nakatayo roon at pinagmamasdan ang paligid kaya may napansin ako.

"Nasaan ang mga tao?" Luminga-linga ako. Dahan-dahan ang pagbaba ko sa kumikintab na hagdan sabay tingin sa paligid. Bakit parang ang tahimik ngayon? Kadalasan kasi pakalat-kalat ang ibang mga katulong o kung sino pa man. Pero ngayon...wala.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Nov 18, 2022 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

The Well (Parallel Love)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ