PL 1

19 4 0
                                    

---



"Ano? Kamusta? Ano daw 'yang sakit mo?"

"Simpleng headache nga. Sabi ko naman sa iyo, e. Na prapraning ka na."

"You're lying. That's not just a headache, Andi."

"E, 'yon ang sabi ng doktor, e! Ano? Mas magaling ka pa don, ha?"

"Tsk. I'm just worried."

"Kalma, girl. Matagal mamatay ang masamang damo, a'right?"

"Oo. Buti na lang talaga bad girl ka. Hahaha. Oh siya, ibababa ko na. May aasikasuhin pa ako, e. Mag-ingat ka, ha?"

"Aye aye! Bye!"

Pagbaba na pagbaba pa lamang ng cellphone ko ay nilantakan ko kaagad ang kumikintab sa mantika na piniritong manok.

Peyborit ko talaga ang isang 'to. Hindi ko maimagine na hindi ko na ito malalasap sa mga susunod na buwan. Kaya ngayon ay magpapakabusog ako para naman kahit papaano ay mamamatay akong busog at masaya sa simpleng manok na kinakain ko.

Oo, bilang na lang ang araw ko. Sabi ng doktor ay buwan na lamang ang bibilangin. Hindi ko na pinakinggan kung ilang buwan pero ang alam ko'y may oras pa ako. Ayokong mag therapy. Gastos lang 'yon. Mamamatay rin naman tayong lahat, e. Mukhang mapapaaga lang ako. Hehe

Inorganized ko kanina ang mga gagawin ko sa mga susunod na buwan. Trabaho, trabaho, trabaho. Iyon lang. At magpapaka lunod sa mga pagkain. Gustuhin ko mang magtravel hindi naman sapat ang pera ko.

Habang kumakain ay tumunog muli ang cellphone ko. Tumatawag si Jane. Workmate ko.

Binaba ko muna ang chicken wings bago sinagot ang tawag. "Oh, Jane? Bakit?"

"Dzai, overtime tayo bukas!"

"Ha? Na naman?"

"Oo! Bwisit kasi itong si Sir, e. Isasara daw muna ang restau next week."

Nanlaki ang mata ko. "Ha?! Bakit daw?!"

"Ewan ko nga, e! Walang sinabi. Basta doble kayod daw bukas kasi may private dinner na magaganap dito. Mga bigatin yata."

Napasandal ako sa likod ng upuan. Paano na?! Nagplano pa naman ako kung paano i-spend ang nalalabi kong mga araw.

Naglalakad ako sa tabi ng kalye at pinagmamasdan ang paligid. Hindi ako sumakay ng taxi o jeep. Gusto kong magmunimuni bigla.

Malamig ang simoy ng hangin. Malinaw ang kalangitan at kumikinang ang milyon milyong mga bituin. Maliwanag rin ang bilog na buwan. Dumampi sa pisngi ko ang tuyong dahon ng puno bago ito nalaglag sa lupa. Tumigil ako sa paglalakad ang tinignan ang kawawang dahon.

Lilipas rin tayo. Lilipas rin ako at kukupas nang hindi namamalayan. Kung mamamatay man ako, mga workmates ko lang siguro ang makakaalam at magluluksa. Baka nga hindi sila makapunta sa lamay ko dahil sa pagod sa trabaho. At si ate Karing naman. Ang tumawag sa akin at kumamusta. Roommate ko iyon sa boarding house. Isang nursing student. Siya rin ang nag abiso sa akin na magpatingin sa espesiyalista dahil nga sa halos isang taon ng pagsasakit ng aking ulo.

Bumisita na nga ako sa doktor kanina dahil may dugong tumulo sa ilong ko. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin sa isipan ko at paulit-ulit bumabalik ang diagnosed ng doktor. Pilit kong winawaksi sa utak ko ang sinabi niya. This is not the time to be down and negative.

Ang kinababahala ko lang ngayon ay kung malalagas ba ang mga buhok ko at makalbo kagaya sa mga pelikula. Gusto kong humimlay sa ilalim ng lupa na maganda at walang inaaalala. Iyon lang ang hinihiling ko. Iyon na lang.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now