PL 18

3 2 0
                                    

---

Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na para akong dinaganan ng sampung elepante. Mabigat rin ang talukap ng mata ko at nararamdaman ko ang mga muta rito.

Dumapo ang paningin ko sa isang pamilyar na kisame, pati ang amoy ng silid ay pamilyar sa akin. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Ang malawak at magarang kuwartong ito ay minsan ko nang tinirhan ng ilang araw.

Nakasara ang mga bintana ngunit nakikita ko sa labas ang liwanag. Umaga na ba?

Pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga. Napangiwi ako nang kumirot ang tiyan. Sumandal ako sa headrest ng kama at pumikit sandali. Nahihilo ako. Hindi naman masakit ang ulo ko pero hilong-hilo ako.

"Open the door," naimulat ko ang mga mata at bumaling sa pintuan. May nagsalita mula sa labas. Gumalaw ang doorknob noon, hudyat na may papasok. Hindi ko alam kung bakit pero bumalik ako ulit sa pagkahiga, sa puwesto ko kanina.

Tangek. Hindi ko man lang muna natanggal ang muta ko. Nangangati tuloy mata ko.

May narinig akong mga yapak na pumasok sa kuwarto. Hindi ko malaman kung marami sila pero nakaramdam ako ng higit sa dalawang presensiya.

"Maaari mo na kaming iwan, hija." Utos ng isang babaeng hindi ko makilala ang boses. Malumanay ang tono nito.

"M-mawalang galang na po, Princess Daleine, ngunit hindi pa ho kayo maaaring makapasok sa silid ng Mahal na Prinsesa Catherine---" pamilyar ang boses! Parang si...Rosette?

"Who are you to say that?! Lapastangan ka, ah?! Hindi mo ba kilala ang kausap mo?!" malakas na pagkakasabi ng isang lalaking hindi rin pamilyar sa akin ang boses.

"It's fine, Clark. She's just concern for Her Highness," mukhang mabait siya.

"But I hope you can give me some time to be with my niece. I haven't been with her for years. At mukhang ito na rin naman ang huling araw na makikita kaming dalawa."

"P-po?"

"Uh...nevermind. You may leave, hija."

"O-opo..."

Nang magsara ang pinto ay nagsalita agad iyong lalaki. "Dami-daming sinasabi lalabas rin pala."

Sandali silang nanahimik. Naramdaman kong may tumabi sa akin. Tama ang hinala ko nang haplusin ng kung sino ang pisngi ko. Malambot ang kamay niya kaya sa tingin ko'y iyong babae ito. Hinawi niya ang hibla ng buhok ko sa noo nang marahan.

"Catherine..." tawag niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako bumalik sa pagpikit. Ang mas hindi ko pala maintindihan ay kung bakit...narito na naman ako...sa pangalawang beses.

"Tuloy ho ba ang plano---"

"Hush!" Agad na sita nitong babae sa lalaki. "Sinabi ko ng huwag dalhin dito ang usaping 'yan, hindi ba?"

"P-patawad, Kamahalan. Nakalimutan ko ho---"

"Anyways..."

Umuga ang kama. Umupo siya sa tabi ko at wala na ang kamay niya sa pisngi ko. Tingin ko'y tinititigan niya ako ngayon.

"Ano'ng balita sa matandang 'yon?"

"Po?"

"Yung matanda, Clark."

"M-matanda---Ah! Y-yung matanda, oo! B-bakit po?"

"Ano'ng bakit? Nakalimutan mo na ba ang trabaho mo?!"

"H-hindi naman po sa ganun, p-pero kasi..."

"Clark..." may tono ng pagbabanta.

"S-sa malayo na lang po namin nasusundan ng tingin ang matanda kasi..."

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now