PL 22

2 2 0
                                    

---

"Catherine,"

"Hey!"

Huminto ako at lumingon sa kaniya. Nagkrus ako ng braso at tinagilid ang ulo saka nagtaas ng isang kilay. "Who you?"

Madiin niya akong tinitigan. Umalis ako ritong galit sa kaniya at ngayong nakabalik na ay galit pa rin sa kaniya. Pero ngayon mukhang siya pa ang galit sa akin. Hindi ko talaga maatim ang ugali ng lalaking ito.

"Hindi mo na naman ako naaalala? When would you stop playing that trick, Catherine?" Seryoso niyang tanong.

"What trick? Hindi nga sabi kita kilala." Maldita kong saad at umirap saka tumalikod kaagad bago pa siya makadugtong ng kung ano.

"Hindi mo ako kilala pero kinagat mo ang kamay ko?" natigilan ako. "Ganyan ang ginagawa mo sa mga taong hindi mo kakilala? Biglang kinakagat?"

Labi ko naman ang nakagat ko ngayon. Shet naman. Kahit kailan talaga hindi ako maaasahan sa pagsisinungaling.

Bumuga ako ng hangin at hinarap siya ulit. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Ano bang pakay mo? Bakit andito ka na naman? Akala ko ba bumalik ka na sa inyo?"

"Bakit? Bawal ba akong pumunta rito?"

Napairap ako. Kaya ayaw kong nakikipag-usap sa kaniya. Hindi talaga kami nagkaroon ng matinong usapan.

"Bahala ka nga diyan."

Mabibigat ang hakbang kong bumalik sa loob ng bahay. Saktong pagpasok ko ay siyang paglabas ni Manang sa kaniyang kuwarto.

"Sino'ng kinausap mo sa labas?"

"Yung alaga mo." Nang tuluyang makababa si Manang ay saka naman ako umakyat patungo sa kuwarto niya.

"Ano'ng gagawin mo riyan?" pahabol niyang tanong bago ako tuluyang makapasok. Lumingon ako sa kaniya. "Ipagdadasal ko ang alaga mong anak ng diablo." Saad ko bago sinara ang pinto.

"Oh? Frederick?!"

"Magandang umaga ho."

"Dios ko, bata ka! Ano'ng ginagawa mo rito?!"

"Puwede ho bang dito tayo sa labas mag-usap?"

"Ha? Ah, oo, sige sige. Sandali---anong nangyari sa kamay mo?! Bakit may dugo iyan?"

"Kinagat lang ng bubuyog, Manang."

"Bubuyog?!"

Iyon na ang huli kong narinig nilang usapan. Mukhang sa labas sila patuloy na nag-usap.

Mabigat ang loob kong tumihaya sa kama. Bigla kasi akong nakaramdam ng guilt sa ginawa kong pagkagat sa kaniya. At sa galit na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Naalala ko ang sinabi ni Rosette na may takot sa tubig ang prinsipeng iyon. Bakit ba kasi siya pumayag sa plano ni Manang? Ang ikinasama lang naman ng loob ko ay iyong pag-atras niya. Pero ano naman kung umatras siya?

Mas naiinis pa ako sa sarili ko dahil may parte sa utak ko na sinasabing siya iyong tumalon sa ilog upang abutin ang kamay ko. At iyong sinabi ni Manang na ipinakita niya raw ang picture ko kay Andres para i-prayoridad ako sa proteksyon kung sakaling dumating ako rito.

Pero galit kami sa isat-isa! Bakit niya ginawa ang mga 'yun?! Nakaka-guilty tuloy.

Dahil sa malalim na pag-iisip ay napagod ako at naidlip.

Napakamot ako sa leeg dahil sa kati. Pati ang mga braso ko ay makati rin. Parang may kung anong bagay ang tumatama sa katawan ko na nagpapakati nito.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now