PL 12

1 3 0
                                    

---

"Ang ingay-ingay mo kasi. Parang hindi mabubuo ang araw mo kung hindi ka makakasigaw." Inirapan ko siya. Ako pa sinisi kung bakit nagising namin ang matanda.

"Tumahimik ka nga. Hindi ka kinakausap." Ani ko kahit puno ng pagkain ang bibig. Nilunok ko ang pagkain na may sama ng loob.

"Bakit ba ang suplada mo?!"

"E, bakit ba ang pangit mo?! Nakakaasiwa 'yang mukha mo."

"Tumigil na kayo! Nasa harap ng hapag ang lakas magbangayan. Kung marami pa kayong satsat, lumabas na lang kayong dalawa." Padabog kong binitawan ang masarap na tinapay sa mesa at tumayo.

"Where are you going?" Tanong ng kuwago na nakaupo sa harapan. Sinipat ko siya ng tingin. "E'di, lalabas!"

"Aba't! Upo, Catherine!" Utos ni tanda.

"Sabi mo lalabas kung marami pang satsat?! Kaya nga lalabas ako, e!" Bahagya siyang tumayo at inabot ako para lang batukan. "Ikaw talagang bata ka. Umupo ka nga."

Bumalik nga ako sa pag-upo at sandaling binalingan ang kumag sa harapan. Masama rin ang tingin niya sa akin habang kumukuha ng kakarampot sa tinapay. Inirapan ko siya. Bushet ka.

"Samahan ninyo akong dalawa mamayang hapon. Kailangan ko ng mga kamay." Maayos-ayos na ang itsura ng matanda ngayon. Bumalik na ang kulay niya sa dati hindi gaya kanina na parang naubusan ng dugo. Sumigla-sigla na rin. Nananakit na nga, e.

"Saan? Wala ka bang kamay?" Sinamaan niya ako ng tingin. Itinikom ko ang bibig at kumuha na lang ng tinapay.

"Hindi ako sasama. Pagod ako. Kakagaling ko lang sa sakit, remember?"

"I'm busy, Nay." Sabat ng prinsipe.

"Huwag kayong mag-alala. Mabilis lang tayo. At saka, may matatanggap kayong pabuya kung gagawin niyo ng tama." Kumunot ang noo ko. "May ipapatumba ka ba?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Ipapatumba? Ano'ng akala mo sa'kin? Gang?" Kumamot ako sa batok at pekeng ngumiti. "Hindi ko alam. Baka pala isa kang miyembro ng rebeldeng grupo, hindi ba?"

"Hindi, Catherine."

"Okay. Sabi mo,e." Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang nagsasalita pa rin siya at hindi na ako nakikinig. Nag-uusap na rin sila ng prinsipe kaya mas lalo akong hindi sumabat. Ngunit isang salita ang nabanggit nila na nagpapantig sa tenga ko. Automatic na tumaas ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"A-ano 'yong sinabi niyo?" Pagpapaulit ko sa sinabi ng dalawa. Sabay nila akong binalingan at kumunot ang mga noo.

"Ha?" si kuwago. "Y-yung balon. Balon ba ang sinabi niyo?" Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. Sila naman ay naguguluhan sa inaasta ko.

"Ano na namang pinagsasabi mong bata ka?" Naguguluhang tanong ni tanda.

"May binanggit kayong balon! May balon kayo dito?"

"Meron," simpleng sagot ng prinsipe.

Nanlaki ang mata ko. "Saan?!"

Hindi siya sumagot. Walang ekspresyon lang siyang nakatingin sa akin. "Tinatanong kita! Nasaan?"

"Aray! Ano ba!" Binatukan na naman kasi ako ng matanda. "Hindi ba puwedeng magtanong ka nang hindi sumisigaw? Jusmiyo, hija. Hindi kami bungol."

"E, tinatanong naman kasi kayo ng maayos. Ang tagal niyo sumagot, e." Umayos na lang ako ng upo at sumimangot. "Maraming balon dito, hija. Kung ano man 'yang iniisip mo, inposible 'yan." Napatingin ako kay tanda. Potek. Sigurado na akong may alam 'to!

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now