PL 25

4 2 0
                                    

---

Wala nang hinto ang pag-iyak ko. Ang mga lalaking humahabol kay Catherine... ano'ng ginawa nila sa kaniya? Nakuyom ko ang palad habang bumabalik sa isip ko ang mga imahe ng lalaki na isa-isang pinagtatanggal ang mga damit nila. Sa dami nila...sa laki ng mga katawan nila... pinagtutulungan nila ang mahinang babae at walang kalaban-laban.

"Kamahalan!" Naramdaman ko ang yakap nila sa akin at sinabayan ako sa pag-iyak. Napayakap ako sa kanila at patuloy pa rin na umiiyak.

Nasasaktan ako. Parang binibiyak ang puso ko sa nasaksihan. Bakit nila ginawa iyon sa kaniya? Sa isang babaeng walang ibang ginawa kung hindi magmukmok lang sa kuwarto.

Sumisigaw siya at humihingi ng tulong pero imposibleng may makarinig sa kaniya roon dahil napakalawak ng gubat at malayong-malayo sa bayan.

Tumingala ako sa langit. Catherine, sa akin ka ba humingi ng tulong? Saglit akong natigilan nang maalala ang iyak na naririnig ko sa balon noon bago nahulog. Namilog at nagtubig ang mata ko. Was that her?

Suminghap ako at pinahid ang mga luha. Lumayo ako sa yakap nila at matapang na tumayo. Nakaupo pa rin silang tatlo roon at nakatingala sa akin. "Umalis na tayo. Marami pa akong kailangang gawin."

Nauna na akong maglakad sa kanila palabas ng gubat. Naghihintay si Mang Kanor roon sa amin at balisang-balisa ito. Akma niya akong lalapitan pero nakita kong pinigilan siya ng tatlo.

Dire-diretso at walang lingon-lingon akong pumasok sa karwahe.

This time, I'll do everything I can to help her. Sana hindi pa huli ang lahat.

Kung gaano kami kaingay papunta kanina, kabaliktaran naman ang pabalik.

Nakikiramdam lang ang mga kasama ko. Walang ni isang umistorbo sa akin dahil ako mismo ang nag-utos na hindi ako istorbohin.

Nilipad ng hangin ang luhang lumandas sa pisngi ko habang nakasandal ang ulo sa nakabukas na bintana. I need some time to unwind and...overthink. Ganitong mga pagkakataon kakailanganin ang pag-ooverthink. Light thinking won't help me to resolve this riddle-like situation.

Nang tinatahak na namin ang kahabaan ng sementadong daan patungo sa palasyo, napahanga ako sa ganda ng garden sa harap. Hindi ko ito nabibigyang-pansin kapag nakatingin ako rito mula sa kuwarto pero maganda pala ito sa malapitan.

Ginalaw ko ang bell. Napatingin sina Rosette sa akin. "Dito na muna ako sa labas," hindi ko na sila hinintay sumagot at nauna nang bumaba sa karwahe.

"Kamahalan---"

Lumingon ako sa kanila at ngumiti ng tipid. "Huwag niyo muna akong lapitan. Gusto kong mapag-isa."

Bumaba si Rosette sa karwahe at yumuko. "Hindi ka namin maaaring iwanan, Kamahalan."

Tama. Isa nga pala akong prinsesa rito at hindi ako puwedeng gumawa ng bagay na mag-isa. Nag-isip ako ng ibang paraan. "Ganito na lang. Samahan ninyo ako pero limang dipa ang layo ninyo sa akin." Aapila pa sana siya pero bumuntong-hininga na lamang ito at tumango.

"Pasensya na. Kailangan ko talagang gawin 'to. Marami akong iniisip ngayon at hindi ako makakapag-isip ng maayos kapag maraming tao sa paligid."

Unti-unti nang nasasagot ang mga tanong ko. Unti-unti pero hindi buo. Parang natagpuan ko lang ang mga parte ng puzzle pero hindi ko alam saan dapat ilagay.

Si Catherine, isang prinsesang walang kalayaan dahil sa status nito. Pinatay sa araw ng kasal, hindi man ako sigurado sa detalye pero ang alam ko lang ay sa masaklap na paraan iyon.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng mga bulaklak. Umupo ako sa harap nila at tinitigan ang mga ito. Ang sinag ng araw ay binibigyang buhay ang ganda nila. Liwanag...iyon ang ipinagkait kay Catherine, hindi ba?

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now