PL 19

5 2 0
                                    

---

Palihim akong dinalhan ng pagkain ni Rosette sa kuwarto kasama sina Ruselda at Shian.

Tuwang-tuwa ang dalawa at mangiyak-ngiyak akong niyakap at kinamusta. Tinanong pa ni Shian kung ano ba daw ang panaginip ko at bakit ang haba raw ng tulog ko.

Bago ako kumain ay inanyahan ko silang sumama sa akin sa pagkain pero hindi raw puwede yun kaya pinakuha ko nalang silang tatlo ng upuan at pinaupo kaharap ko sa mesa.

Nagkukuwentuhan naman sila habang magana akong kumain dahil nakaramdam talaga ako ng gutom. As in, gutom na gutom.

Naaaliw ako sa mga ikinuwento nilang tatlo. Lalo na sa ibinunyag ni Ruselda na may napupusuan na raw si Rosette. Grabe 'yong word na napupusuan, ha. Parang ang lalim na ng salitang 'yon para gamitin nila. Seventeen pa si Rosette kaya inadvice ko sa kanya na kalmahan lang at baka kunin akong Ninang nang biglaan. Tinawanan nila ako pero pinaintindi ko sa kanilang seryoso 'yon. Nakinig naman sila nang mabuti.

Wala namang kaso ang magkagusto sa murang edad,eh. Pero nakakainis lang makakita ng mga wala pa sa legal na edad pero nagkaanak na. Naaalala ko lagi si Mama at Papa sa tuwing nakakakita ng mga ganoon. Itinaboy sila ng pamilya nila dahil sa nangyari. Swerte na lang siguro si Mama dahil hindi siya tinakasan ni Papa at mayaman si Papa kaya nakahanap rin sila ng paraan paano mabuhay nang kanila lang.

E, paano kung tarantado pala 'yong jowa mo at nagtago? At kung itataboy ka ng pamilya mo? Siguro may mga kaibigan kang matatakbuhan pero magiging pabigat ka naman.

Haaay. Ako 'yong nai-istres, eh. Gosh.

"Magtapos muna kayo ng pag-aaral bago kayo pumasok sa ganyang mga bagay," ako bago uminom ng tubig.

"Mag...tapos ng pag-aaral?" naguguluhang at kuryosong tanong ni Shian. Umiinom pa ako ng tubig kaya si Rosette ang sumagot sa kanya.

"Sa ating mahihirap, Shian, ang makapag-aral hanggang anim na baitang ay hudyat na pagtatapos na ng pag-aaral," napakunot ang noo ko sa gitna ng pag-inom. "Sa mayayaman naman ay hanggang sampung taon---"

Nabuga ko ang tubig sa bibig. Nagulat silang tatlo at agad akong dinaluhan. Tinaas ko ang palad upang pigilan sila. Bakit naman kasi ang taas nitong baso nila? Ang tagal ubusin ng tubig. Kainis.

Nagpahid ako ng bibig gamit ang manggas ng damit.

"A-ayos lang po ba kayo, Kamahalan? Hindi niyo ho ba nagustuhan ang pagkain?"

Bumaba ang tingin ko sa mesa. "Hindi nagustuhan, e naubos ko nga," natatawa kong sagot.

"E, ano pong problema?"

"Ano ulit 'yong sinabi mo? Hanggang anim na taon lang nakakapag-aral ang mahihirap? While ang mayayaman ay hanggang sampung taon? Bale, fourth year sa junior high 'yun. Ang sa mahihirap ay hanggang grade six lang?" pagkukuwenta ko.

Nagtinginan sila na may nagtatanong na mukha. "Po?"

Iba yata ang patakaran dito sa kanila. Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong klase ng pag-aaral para sa mga bata. At walang hustisya 'yon. Kawawa yung mga batang gustong mag-aral pa at makaalam ng maraming bagay. Paano malalaman kung sino ang magagaling sa ganito at ganyan kung ang binibigyan lang ng pagkakataon ay iyong mga mayayaman? Paano nila matutuklasan ang sariling kakayahan kung ang mundo mismo ang pumipigil sa kanila? Nakakainis, ah.

"Sino ang nagpatupad ng patakarang 'yan na sa estado ng bata bumase kung deserve ba nito makaranas ng ganitong buhay o ganyan?"

"Hindi pa rin po ba bumabalik ang alaala niyo? Ang ninuno ho ng pamilya niyo ang nagpatupad ng ganyang batas. Lahat ng Kaharian ay ginaya rin ang ganiyang sistema ng edukasyon."

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now