PL 17

3 3 0
                                    

---

Sinandal ko ang ulo sa nakabukas na bintana at pumikit, dinarama ang hangin. Huminga ng malalim at niraramdam ang katahimikan.

Binabalot na ng mga katanungan ang isip ko. Nagpapabigat lalo sa ulo. Hinilot ko ang sentido at nakagat ang pang ibabang labi.

Hindi ko na alam kung ano ang uunahing iisipin. Ang sulat ba na nabasa o ang pag-uwi namin pabalik rito sa dati naming bahay o ang kataka-takang pangayayaring naabutan namin si Aleng Diday na papalabas sa gate ng bahay at dali-daling tumakbo paalis.

Ang sabi ni Mama ay pumupunta daw talaga si Aleng Diday sa bahay upang kumuha ng tubig sa balon. Pero wala naman siyang dalang balde kanina o anumang lalagyan.

Ang sulat naman...may pangalan na nakalagay sa ilalim na kilala ko kung sino. Pero hindi naman dapat ako maniniwala agad-agad, hindi ba? Kailangan kong malaman ang totoo mula mismo kay Mama.

Isa pa 'tong si Mama. Nung umalis kami sa bahay nina Tito Connor kahapon ng hapon ay ginamit niya ang isang kotse nila para mas madali daw kaming makaalis. Siya ang nag drive at dito dumerecho. Tinanong ko siya kung bakit kami bumalik rito. Aniya'y mas ligtas raw kami dito at malayo kay Tito Connor.

Masaya ako na nasasaktan. Masaya dahil isinama ako ni Mama palayo roon. Pero nasasaktan dahil sa kagustuhan niyang iligtas ang sarili niya at ako ay kailangan niyang iwan ang mga batang iyon. Lalo na ang anak niya kay Tito Connor na si Lallaine.

Naaawa ako sa kaniya. Ayokong maramdaman niya ang pakiramdam na maiwan ng isang Ina. Gago pa naman ang tatay nun. Napakadelikado.

"Kagabi ko pa napapansing malalim ang iniisip mo," napalingon ako sa likod nang may magsalita roon. Si Mama pala.

Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at pajamas. Mas makikita ngayon sa braso niya ang mga bakas ng pasakit sa kanya. Lumapit siya at tumabi sa akin, nakaharap sa labas ng bintana.

"May mga gusto ka bang tanungin?" tanong niya habang nasa labas ang tingin.

Humarap din ako sa labas. "Bakit ngayon niyo lang naisipang maglakas-loob na iwan ang lalaking 'yon?"

"Pagdating mo sa bahay namin...pakiramdam ko'y sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ako ng kakampi."

"Labag sa loob ko nung una na manatili ka sa amin dahil nga sa kagaguhan ng Connor na 'yon. Pero wala na akong iba pang matakbuhan. Wala na akong ibang malapitan. Kahit natatakot ako na baka madamay ka sa galit niya sa akin, ang kaya ko na lang gawin ay ang ipanatili ka sa mga mata ko. But while you were staying with us, ang dami kong napagtanto. Ang dami kong pinagsisihan."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung maf-flutter ba ako o ano.

"Kahit alam kong mayroon ka pang hinanakit sa akin," nilingon niya ako,"hindi mo ginawa sa akin ang ka walang hiyaan kong ginawa sa iyo noon."

Bumaling siyang muli sa labas. "Inisip kong dahil legal age ka na ay kaya mo na ang sarili mo. Huli na nang maisip ko noon ang katotohanang maaga kang iniwan ng Papa mo. Hinahanap mo pala ang kalinga niya sa akin ngunit iniwan rin kita."

Napalunok ako. Ramdam ko ang panibagong tinik na bumara sa lalamunan ko.

"Bente tres ka na, tama?" tumango ako nang hindi siya nililingon. "Nalaman ko mula sa mga kamag-anak ng Papa mo na kumupkop sa'yo na hindi ka raw nagdidiriwang ng kaarawan mo. Tama ba ang iniisip ko na ako ang dahilan nun?"

Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri, habang kagat-labing pinipigilan ang pag-iyak.

Natigilan ako nang ipatong ni Mama ang palad niya sa ibabaw ng mga kamay ko. Bumaling ako sa kanya. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang makita ko siyang namumula ang mga matang nakangiti nang mapait sa akin.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now