PL 10

1 3 0
                                    

Ang ganda ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang ganda ko. Hinawakan ko ang palda ko sa magkabilang gilid habang dahan-dahang umiikot sa harap ng salamin. Hapit sa bewang ko ang damit. Ang kabuuan ay hindi masyadong mabigat, sakto lang. Ang ganda talaga.

Pati ang buhok ko ay napakaganda ng ayos. Iyong babae sa kanan ko ang gumawa ng buhok at ang galing niya!

Pero napansin kong hindi ito masyadong magara kagaya ng mga prinsesa na nakikita ko sa movies na kumikinang ang mga damit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pero napansin kong hindi ito masyadong magara kagaya ng mga prinsesa na nakikita ko sa movies na kumikinang ang mga damit. Simple lang ito.

"Wala na ba kayong tela para sa magagarang damit? Bakit ito ang suot ko? Kung wala pang nakakakita sa mukha ko ay siguradong hindi ako mahahalatang isang prinsesa."

"Iyon nga po,e. Dapat po ay hindi kayo makakuha ng atensyon ng mga tao dahil malalaman nilang galing ka sa marangyang pamilya. At prinsesa pa." Ani ng nasa kaliwa ko.

"Eh? Pero makikilala pa rin naman ako kasi sikat ako at isa akong prinsesa."

Nagkatinginan silang tatlo bago sumagot iyong nasa kanan ko. "Princess Catherine, nakalimutan niyo rin pala na hindi ho kayo pala labas ng palasyo. Ang tanging nakakakita lang ng mukha ninyo ay ang mga tao sa palasyo."

"Ngunit noong..." dagdag noong isang babae na nasa kaliwang harapan ko, "noong namatay po ang mga magulang ninyo, ang Mahal na Hari at Mahal na Reyna, nagkukulong na po kayo sa kuwarto at sa pribadong silid. Lalo po kayong lumayo sa mga tao. Nagpatayo pa nga kayo ng sarili niyong silid-kainan,e. Kaya naawa po kami sa inyo."

Natigilan ako. "Kailan ba...namatay ang mga magulang ni Catherine?"

"Tatlong taon na po ang nakalipas noong pumanaw ang mga magulang ninyo."

Tatlong taon na? "Kung tatlong taon na, e'di, hindi nila alam na ikakasal ang anak nila? Wala sila sa kasal?" kuryoso kong tanong. Gusto kong maki chismis kasi parang ang daming ganap sa buhay niya.

Nanlaki ang mata nilang tatlo sa gulat. May gustong ibuka ang bibig pero hindi itinutuloy. Nakakastress siguro ang buhay ng babaeng 'to. Kung taga sa amin rin siya sigurado siya ang almusal nila Aleng Diday. Iyong mga chismosang nagkukumpulan sa kanto,ganun.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now