Prologue

13.8K 217 62
                                    

Katulad ng pinakamaliwanag na bituin sa kalangitan, kakayanin kong magliwanag mag-isa. Ngunit kalaunan ay napag-alaman ko na hindi ako ang araw na inaakala kong magiging katulad ko, bagkus, ako’y isang buwan na kakailanganin ng tulong ng iba upang lumiwanag at magbigay liwanag sa madilim na gabi.

"‘Yan, sige pa boom! HAHAHAHA ang tanga kasi, sige pa sapakin mo pa ‘yan!"

Pasigaw-sigaw lang ako at kumakain ng chitchirya habang nanonood kay kuya Haru na nakikipagsuntukan dito sa labas ng school. Ganito kasi ang nangyari, nang papasok kami rito sa school ay bigla nalang kaming hinarang nitong nakaaway ni kuya kaya ayun napalaban siya na wala sa oras at ako naman ay heto, nakaupo lang at nanood sa kanila, taga-cheer nila ako.

May mga napapahinto kapag nakitang may nag-aaway para manood pero mayroon din namang iiling-iling kaming nilagpasan, wala rin naman silang magagawa. Madadamay lang sila lalo kapag lumapit pa sila rito.

"‘Yan sige pa HAHAHAHA gago bagsak na yung isa!" Tumatawang sabi ko pero agad ko ring tinakpan ang bibig ko nang samaan ako ng tingin ni kuya, mukang mapapasama rin ako mamaya.

"Sorry, sa likod mo ayan na." Sabay turo ko pa sa likod niya nung may akmang hahampas sa kan’ya ng makapal na kahoy, agad niya itong nasangga gamit braso kaya napatayo, nag-alala ako roon pero kaya pa niya at kaya na niya iyan, malaki na siya.

"Damn it." Bulong ni kuya saka hinampas sa hangin ang kamay niyang natamaan ng kahoy, sakit non.

"Yan kasi kung saan-saan ka pa tumitingin natatamaan ka tuloy." Umiiling kong sabi at pinag-cross ang braso sa dibdib.

"Can you please shut the fuck up? You’re interupting me, I can’t focus." Inis niyang sabi nang masuntok ulit siya, sinisisi pa ako? Wala naman akong kasalanan sa kaniya, hindi naman ako ang kaaway niya!

"Sorry naman, susumbong kita kay kuya Luan nagmura ka." Pananakot ko pa, nakakatakot naman kasi talagang magalit si kuya Luan kaya iwas na iwas kaming makita iyon at ayaw din niyang nakakarinig na nagmumura kami.

"Alam niyang nagmumura ako. Ikaw pa nga ang isusumbong ko, ‘kala mo ba hindi kita narinig kanina?" Nakita ko siyang napangiti ngunit hindi manlang ako tinapunan ng tingin at nagpatuloy lang sa pakikipag-away. Bastos din kausap tong isang ito.

Napairap ako, tinapon ko narin ang pinagkainan ko bago pagpagin ang palda ko at maangas na naglakad palapit doon. Matulongan na nga, baka umuwi kaming puro pasa at sugat, pareho pa kaming malalagot.

Ngunit bago pa man ako makalapit sa kanila ay may biglang humablot ng buhok ko.

"You bitch! Ikaw yung lumandi sa boyfriend ko." Biglang sabi nitong kung sinong hayop na may hawak sa buhok ko.

"Aray ano ba? Bitiwan mo nga ako, masakit kingina ka." Inis ngunit mahina kong sabi para hindi kami mapansin ni kuya.

"Back off, Arche is mine." Sabi pa niya at muling hinila ang buhok ko. Punyeta, masakit sa anit!

"Kingina edi sa iyo na. Sa iyong sa’yo, laklak mo pa sa baga mo." Gigil kong sabi, hinablot ko ang braso niya at pinaikot dahilan para mapaharap ako sa kaniya at nasa likod ngayon niya ang kamay niya, nakatalikod sa akin.

"Uy! Rea, ikaw pala ‘yan." Ngiting bati ko.

Shes Rea, ang number one slut slash clown sa school namin. Malandi siya siyempre. Mang-aagaw, inagaw niya sa akin ang boy best friend ko noon. Maarte, proven and tested yan, sobrang arte niya tsk panget naman. At higit sa lahat tanga, as in, sobrang tanga! Hindi siya nag-iisip, lagi siyang padalos-dalos, psh kaya siya laging napapahamak eh.

"You bitch, bitiwan mo kamay ko." Galit niyang sabi at dahil masunurin ako, okay, sinunod ko. Kaya nga lang tinulak ko narin kaya napaupo ito sa lapag. Deserve.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now