Chapter 19

2.4K 90 15
                                    

Mamamatay na yata ako. Tatlong araw palang pero hirap na hirap na'ko sa training na'yan, buti nalang at may academic break kami sa school kundi pinaglalamayan na talaga ako.

Pagod akong sumandal sa sofa narito sa training room. Sobrang sakit na ng katawan ko, feeling ko ay lalagnatin ako ng isang taon dahil dito.

"Here" inabutan ako ni kuya Luan ng energy drink na agad ko namang kinuha at ininom. Naglapag din s'ya ng tubig sa lamesa, kasunod n'ya si kuya Haru na may bitbit namang mga cookies at brownies.

"Kain" alok ni kuya Haru bago ilapag ang mga ito.

"Tomorrow, balik eskwela na kayo" napatingin kami ni kuya Haru kay kuya Luan nung nagsalita s'ya. "Pagkatapos ng klase n'yo, baka gabihin ako kaya Haru, ikaw na bahala. Turuan mo s'ya"

Agad na tumango si kuya Haru habang kumakain ng brownies, saglit na umalis si kuya Luan dahil may tumawag sa phone n'ya.

Akala ko one week walang pasok? taka akong tumingin kay Kuya Haru para magtanong pero mukang nagets na n'ya ang tingin ko. "Sinabi lang sa'min sa gc, darating yata kasi yung owner kaya gusto nilang papasukin mga estudyante"

Natahimik kami rito ni Kuya Haru. Kumakain lang s'ya ng cookies habang ako ay walang magawa. Hinanap ko ang cellphone ko sa bulsa pero wala roon, tinignan ko rin sa bulsa ng jacket ko kaso wala. Nalaglag ko siguro sa sofa nung mausap namin si Miss Lyra, naramdaman ko kasing may umahon sa bulsa ko pero hindi ko na pinansin.

Napatingin ako sa kapatid ko nang makita ko ang cellphone n'ya sa lamesa. "Peram phone" mabilis ko itong hinablot, hindi naman s'ya nagreklamo at inubos ang kinakain n'ya.

Alam ko ang password ng cellphone nila ni Kuya Luan kaya naman hindi na naging mahirap sa'kin buksan ang cellphone n'ya. Picture naming tatlo nung birthday n'ya ang naka lock screen peeo picture nila ni Bea ang naaa home screen kaya bahagya akong natawa.

"Wait" inagaw n'ya ulit sa'kin yung phone at nakita kong taranta s'yang may ginawa roon kaya natawa ako.

"Nakita ko na, h'wag mo na palitan" pang-asar na sabi ko pero inirapan n'ya lang ako bago ibalik ulit sa'kin yung phone n'ya.

Pinalitan nga n'ya ang home screen, pinalit n'ya ay iyong picture n'ya na nakaupo sa buhangin sa beach, nakatingin sa malayo at proud pa'ko dahil ako ang nag-picture nito. I could say na stolen shit talaga ito pero dahil maganda ang kinalabasan ay pina-send n'ya nung makita.

Napailing nalang ako at inopen ang messages, palihim akong napangisi nung makitamg unang una pa ang pangalan ni Bea.

Bealyn:
Thank you sa paghatid at pagsundo!

You're welcome, anything for you. Love you.

Bealyn:
Lol

Crush mo 'ko 'di ba?

Bealyn:
Luhh? Sino nagsabi?

Si Luna

Napangiwi ako sa nabasa ko. Nakakunot ang noo habang nakatingin sa'kin habang umiinom ng tubig. Wala naman akong sinasabi sa kanya huh.

"Haru" sabay kaming napatingin ni Kuya Haru kay Kuya Luan, naglalakad na s'ya pabalik dito sa table at halatang nagmamadali.

"I need to go, Luna, take a rest bukas nalang natin ituloy yung training. Haru bantayan mo yan" bilin ni kuya Luan na tinanguan naman namin, kinuha n'ya agad yung coat n'ya, sinuot iyon at hinigpitan rin yung necktie n'ya bago magmadaling umalis.

"Oops akina na yan" biglang hablot ni kuya Haru sa phone n'ya nung hindi ako nakatingin.

Nakita kong napailing s'ya at sinamaan ako ng tingin kaya ngumiti lang ako. "Iibahin ko na ang password sa susunod" bulong pa nito

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now