Chapter 27

1.9K 76 16
                                    

Maingay, kasing ingay ng mga demonyong nagpaparty sa utak ko ang mga narito. Isang normal, simple, at malaking bahay lang ito kung titignan pero puro kasapi ng iba't ibang group ng mga mafia at gangster ang nasa loob.

Pagpasok namin ay imbis na mga gamit ng bahay ang madatnan ko ay puro upuan at lamesa, nakapaikot ito hanggang sa baba, may malaking parang stage sa gitna, may upuan din sa pinaka taas kung saan kita mo lahat ng nandito.

"Look who's here, let's all welcome, Dark Eclipse!" Biglang may sumigaw sa mic na ikinagulat ko, roon na rin nag umpisang mas umingay ang mga tao rito, sinisigaw ang codename ng mga members.

"Please take your table and ohh, they have their princess now! Only if she win" sabi pa nung emcee at sinamahan ng tawa. 

Isinawalang bahala ko ang mga ingay sa paligid at confident akong naglakad. Nakasunod lang ako kay kuya Luan, rinig ko rin yung bulungan nung iba na nagtataka kung sino amo at yung iba ay minamaliit agad ang kakayahan ko kahit na hindi pa naman nila ako kilala.

Dumiretso kami sa isang table malapit sa stage sa harap pero bago pa 'ko makasunod kay kuya Luan ay tila napako ang paa ko nang makita ko si Top. Kahit naka mask din s'ya ay nakilala ko parin sya, kagaya ko ay all black rin ang suot n'ya at may hawak s'yang alak sa kamay habang nakaakbay sa upuan na walang nakaupo. May babae sa isang gilid n'ya na kinakausap s'ya, yun siguro yung si Shania or I should call 'Swiftie' this time.

Napatingin ako kay Glenn at Nate at pare-parehong may hawak ng baso na may lamang alak, kumunot ang noo ko nang makita iyong isang katabi ni Swiftie na nakatitig sa'kin.

"Don't mind them, dumiretso ka sa table natin" rinig kong bulong ni Aze sa likod ko at mahina pa akong tinulak kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Tinitigan mo pa 'no?" bulong kaagad sa'kin ni kuya Haru pag-upo ko sa tabi n'ya, sa kabilang gilid ko naupo si kuya Luan.

"Hindi" tangi ko bago tumingin sa likod namin kung sana sila nakapwesto pero napakunot yung noo ko nung makitang nakatingin na s'ya sa'kin, agad tuloy akong napatingin sa harap.

"Don't be nervous" bulong ni kuya Luan at may hawak naring baso sa kamay, sinalinan s'ya ni Hunt bago tumapat sa'kin at inalok yung baso na agad ko namang kinuha.

"Wine lang ang ibigay mo sa kan'ya" utos ni kuya Luan kaya bumalik sa table si Hunt para kumuha ng wine at sinalinan ang basong hawak ko.

"Thanks" ngumiti lang s'ya bago lumipat kay kuya Haru at sinalinan ito ng alak.

"Let's all welcome, the almighty, Empress and Emperor" biglang sabi nung emcee kaya napatayo ang lahat maliban sa'kin, agad na tumingin sa'kin si Kuya Luan.

"Stand up and bow your head" mahinang sabi nito na s'yang ginawa ko naman agad, palihim akong tumingin sa emperor at empress. Masasabi ko talagang  makapangyarihan sila, aura palang yuyukuan na ng lahat, nakita kong naglakad sila gitna, napatingin sa'kin yung empress kaya mas napayuko ako, napatingin din tuloy sa'kin sila kuya Luan.

"You're the new recruit, right?" huminto sila sa table namin, nabibingi ako sa katahimikan at parang nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba nung makitang sa'kin ito nakatingin.

"Y-yes empress"

"Follow me" maotoridad nitong utos na agad ko namang tinanguan.

"Empress, can I come?" Napatingin kami kay kuya Luan nung sabihin n'ya iton.

"We don't need you there" malamig na sabi ni empress bago tumalikod at mag-umpisa na ulit maglakad. Tumingin ako kay kuya Luan at mahinang piniga ang braso n'ya.

"Update us later" tinapik ni kuya Haru yung balikat ko na tinanguan ko naman.

"Be careful, especially in your words. They can kill you in one snap" sabi ni kuya Luan na ikinabugtong hininga ko bago tumango at sumunod kay empress. Ninenerbyos ako.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now