Chapter 50

3.4K 82 8
                                    

You need to face your fear or it will hunt you forever. Fix things and grab the chances, or guilt and regression will swallow you alive. Everything will be fine when you work things out.

Pagkatapos ng photoshoot ko ay dumiretso ako sa condo ni Top. Gladly, yung guard parin noon ang guard ngayon kaya nakapasok ako sa building, balita ko kasi ay mas naghigpit dito. Hindi yata n'ya alam na naghiwalay na kami ni Top dahil sabi pa n'ya ay ang tatag daw ng relasyon namin kahit magkalayo kami. Tangging ngiti nalang ang naisagot ko sa kan'ya bago ako tumuloy.

Nang bumukas ang elevator ay agad akong pumasok, ibinaba ko ang cap ko at bahagyang yumuko nung may makitang tao roon.

"Sis, diro pala nakatira si Mr. Cortez? Geez, nakasalubong ko s'ya kahapon dito mismo sa elevator at ang bango n'ya, sobra." Tila kinikilig na sabi nung babae sa likod ko.

"Anong room number n'ya?" Tanong nung kasama n'ya.

"Hindi ko sure nakakahiyang sundan."

Kinuha ko ang earpods ko, sa halip na makinig sa kanila ay pipiliin ko nalang nakinig ng music. Nauna silang lumabas kaya naiwan akong mag-isa rito.

Pinanood ko ang pagtaas ng numero sa taas ng pinto. Kumurba agad ang ngiti sa labi ko nang huminto ito sa palapag kung nasaan ang condo n'ya.

Naglakad ako papunta sa condo unit n'ya habang hinahanap ang susi sa bag ko. Huminga ako nang malalim, kumakabog sa lakas ang dibdib ko at nag-aalangan na'ko pero huli na lara umatras, nandito na'ko at nabuksan ko na ang pinto.

Kagaya rati ay ganoon parin ang ayos ng buong lugar. Mapait akong napangiti nang maalala ang huling tungtong ko sa lugar na'to, it was a nightmare.

Inilingan ko nalang ang ulo ko at naglakad papuntang kusina nang may narinig ako roon. But I was stunned when I saw a girl cooking, nagulat din s'ya nung makita ako bago mabilis na hablutin ang harina at ibinato sa'kin kaya napapikit ako agad. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito? Top!" Agad kong tinakpan ang tainga ko sa lakas ng boses n'ya.

"Fuck, you're so loud!" Sigaw ko pabalik sa kan'ya bago bahagyang yumuko at tanggalin ang salamin na suot ko. Kinusot ko ang mata ko dahil feeling ko napasukan parin kahit na nakasalamin ako. I lowered my cap at may nalaglag pang harina mula roon, tangina naman.

"Wahhhh." Sigaw n'ya at tinutok sa'kin yung kutsilyo na ikinagulat ko.

"Put that down." Sabay turo ko sa kutsilyo pero umiling lang s'ya.

"What's happening here?" Napatingin ako sa likod ko nung marinig boses ni Top, he's not wearing anything on top at mukang kakaligo lang din.

"Magnanakaw" prangka akong tinuro nung babae. "Bigla-biglang nakakapasok dito."

Napatingin ako kay Top, halata ang gulat sa mga nito habang nakatitig sa'kin bago ngumisi. "I'll call the security guard there's a thief."

"What the fuck!" Agad kong hinawakan yung braso n'ya at kinuha sa kan'ya ang cellphone n'ya para hindi s'ya makatawag.

"See? You stole my phone too." ngising sabi n'ya kaya padabog kong binaba yung cellphone n'ya sa lamesa, wala akong pake kung mabasag.

Inis kong tinangal yung cap at mask ko bago humarap sa kan'ya. Inis kong tinuro ang sarili. "Kelan pa'ko naging magnanakaw?"

He chuckled. "You looked cute."

"Cute mo muka mo, nakakainis ka." Inis kong sabi at dire-diretsong naglakad at naupo sa sofa roon sa sala.

"Bagay sa'yo yung harina." Inirapan ko ang lalaking nakatingin sa'kin. Tinignan ko any sarili ko bago agad na tumayo nang mapagtantong puro pa pala ako harina, nagkaroon din tuloy ang sofa.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now