Chapter 6

2.9K 91 5
                                    

Kung may nerd at may feeling 'queen bee', pustahan meron talagang bullying. For me it's childish, bullying is a sign of being immature. Tapos imagine, mambubully sila and they have the stupidest reason. They hate weak, as if stepping on those makes them superior.

"One"

"Two"

"Teka muna, ano ba talaga balak mo?" hindi ko pinakingan si Gwen at bumwelo lang, huminga ako ng malalim.

"Three!" Buong pwersa kong sinipa ang pinto ng cubicle dahil para masira ito at bumukas. Boom rufok.

"Mauna ka na lumabas, igigilid ko lang 'to" sabi ko bago buhatin yung nasirang pinto. Shuta ang bigat pala!

Pero tulad nga nang sabi ko, lumabas si Gwen sa cubicle at agad na pumunta sa mismong pinto nitong cr. Ako naman ay pumwesto na para hilahin nalang 'to papasok doon sa dulo. Ang bigat, hindi ko kakayanin buhatin mag iss but I still did my best para itulak ito. Tagaktak ang pawis ko, bwisit dagdag pa 'tong skirt, hanggang tuhod ko ito at sagabal talaga!

"Luna" napatingin ako kay Gwen nang magsalita ito. Nanlaki pa ang mga mata ko nung may makitang dugo na tumulo mula sa ilong n'ya, kagaya ko ay tagaktak din s'ya ng pawis.

"Shit" mahinang mura ko bago s'ya hilahin papunta sa may lababo at buksan yung gripo.

"Anuhin mo 'yang dugo, teka alam ko may panyo ako rito" sabi ko at agad na kinapa ang bulsa ko. Buti nalang at nandito nga ito.

"Tsk, ano ba pinag gagagawa sa'yo nila Irish?" inis kong tanong at binigay sa kan'ya yung panyo, tinipon ko pa ang buhok n'ya para mahugasan n'ya ng maayos ang ilong n'yang may lumalabas na dugo.

Umayos s'ya ng tayo at tinanggap ang panyo ko, nilagay n'ya agad iyon sa ibaba ng ilong n'ya at bahagyang tumingala bago huminga ng malalim. "Thank you, wala lang 'to"

"Wait tatawag ako ng tulong" sabi ko bago lumapit sa mismong pinto nitong cr. Akmang bubuksan ko na pero shit, nakalock? kaya pala hindi agad nakalabas si Gwen.

Tumingin ako sa kan'ya, hinuhugasan n'ya ulit ang ilong n'ya, nakita ko rin na may dugo ang panyo ko, fuck, hindi ba masama iyon? Ang daming dugo. Kinikilabutan ako.

Bumilang ako sa isip ko at bumwelo para bungguin ang pinto pero ayaw mabukaw, napamura ako at buong pwersa itong sipain pero ayaw talaga bumukas. Gosh! Paano na'to!? for sure, late na narin kami sa first subject ngayong tanghali.

Napaupo ako sa likod ng pinto at napasabunot sa sarili. Geez, Luna umisip ka ng paraan. Nilibot ko ang tingin ko, may bintana pero sobrang taas at hindi kasya ang tao roon. Napatingin ako kay Gwen, nakasandal ito sa sink at namumutla, ang init dito, dagdag pa na nakacoat pa s'ya kaya doble init.

"Tanggalin mo muna yan" tinuro ko ang coat n'ya Agad akong napatayo at hinubad din ang coat ko pero napahinto rin nung biglang may malaglag mula sa bulsa. Tangina, dala ko pala ang cellphone ko!

Muli akong naupo sa sahig at nagtype, mahina ang signal dito pero makakapag send naman siguro ako ng text? I tried, hinanap ko ang number ni Kuya Haru.

Kuya!!!!

Kinagat ko ang kuko ko habang nakatingin sa maliit na bilog na umiikot. Magsend ka please, magsend ka! Yown! Nagsent!

Agad akong napatayo nung makita si Gwen na parang nanginginig at may nilalabanang kung ano sa loob loob n'ya. Hang on there, sana makita ni Kuya Haru ang text ko, baka nasa klase na- oh never mind, nagreply s'ya.

Boss Haru:
Makinig ka r'yan tsk susumbong kita kay kuya Luan hindi ka nakikinig sa prof n'yo.

Kumunot ang noo ko at napakamot ng batok. Lagot talaga ako kay Kuya Luan nito. Pero mas mahalaga itong problema na kinakaharap ko ngayon, mas mag aalala s'ya kapag nalaman n'ya ang kalagayan ko.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now