Chapter 15

2.7K 92 12
                                    

Masyadong mabilis ang pangyayari, sa isang iglap nawalan kami ng magulang. Nawalan ng kalayaan si Kuya Luan at nakulong sa pangakong uunahin kami ni Kuya Haru.

Sa panaginip ko nalang sila makakasama, ganoong panaginip pa ang nangyayari. Hindi malinaw ang muka nila pero ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na nararanasan nila. Ang tunog ng kulog na dumadagundong sa tainga ko, ang mga salitang binibitawan, at ang huling tawanan. Masakit, sobrang kirot parin ang dulot sa dibdib ko.

Hindi ko namalayan na basa na pala ang kumot na nasa baywang ko dahil sa pag iyak ko. Agad kong pinunasan ang luha ko pero natigilan ako nang may boglang maalala. Nilibot ko ang tingin ko sa isang hindi pamilyar na kwarto. Nasaan ako? lagot nanaman ako kanila kuya nito.

Plain, iyan ang masasabi ko sa kwartong ito. Kulay peach ang pader, kumpleto ang mga gamit pero napaka simple at malaki. Peach and dirty white ang theme nitong kwarto. 

*BLAG*

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto nitong hindi pamilyar na kwarto at pumasok ang isang magandang babae nasa mids 40 na siguro pero litaw parin ang kagandahang taglay n'ya. Agad s'yang ngumiti sa'kin at naglakad papalapit.

"Who are you?" halos pabulong kong sabi.

"Are you okay? Anong nararamdaman mo?" hindj nito sinagot ang tanong ko, tuluyan lang s'yang lumapit kaya agad kong iniharang ang kamay ko nung akmang hahawakan n'ya ang noo ko, ngayon ko lang din napansin, tagaktak ako ng pawis.

"Don't come near me" pabulong kong sabi pero sapat para marinig n'ya.

"Lun-"

"Who are you?" putol ko sa sasabihin n'ya.

Paano n'ya nalaman pangalan ko? Sino s'ya? Bakit s'ya nandito at nasan ako? Ang daming tanong ang tumatakbo sa utak ko, paano ako nakapunta rito? pero hindi ko s'ya matanong dahil 'who are you?' palang ay hindi na nito masagot.

"She's my mom" napatingin ako sa pinto nang may magsalita. Nanlaki ang mga mata ko nung makita si Top na walang damit at tanging twalya lang ang nakatakip sa baba.

Mabilis na kumuha ng unan itong mom ni Top at binato sa kan'ya pfft headshot! "Magbihis ka nga! ang sagwa mong tignan" sabi nito kay Top na mahinang ikinatawa ko. Gumaan din ang atmosphere at mabilis akong naging komportable, siguro ay dahil nakita kong walang laban si Top sa ina n'ya.

"Sige, tumawa ka lang dyan at ako ang tatawa sa'yo kapag pinagalitan ka nila kuya mo" sarkastikong sabi n'ya bago pabagsak na sinara ang pinto na mas ikinatawa ko.

"Hay nako! iha, h'wag mo nalang pansinin ang bata na'yon. Ganoon talaga yun" ngiting sabi nitong mom ni Top bago maupo sa kama na hinihigaan ko. "Anong nararamdaman mo?"

"Okay na po, ma'am"

"Don't call me ma'am masyado ka namang pormal. You can call me tita o kung gusto mo mommy nalang" ngiting sabi nito na ikinangiti ko rin.

"Tita nalang po" I chose the best option, baka kasi kapag tinawag ko s'yang mommy kung ano pa isipin ni Top o baka nga magselos pa'yon.

"It's up to you" ngumiti lang ako bago umayos ng upo, tinulungan pa n'ya 'ko at inayos ang unan sa likod ko.

"What's with you and my son?" tanong nito bago hawakan yung buhok ko, marahan itong sinusuklay gamit ang daliri.

"Po?"

"Can I brush your hair?" tanong nito habang nakatingin sa buhok ko.

"P-po? sige po" tumango pa'ko. Sinusuklay n'yo na nga po.

"Alam mo ba iha, gusto ko rin magkaanak ng babae" ngiting sabi n'ya bago umpisahan yung pagsuklay sa buhok ko.

"Bakit hindi po kayo bumuo? Mukang bata pa naman po kayo para magkaanak" I said, that supposed to be a joke! but still, I heard her giggled.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now