Chapter 22

2.3K 74 13
                                    

Oftentimes, you need to accept things that's hard to believe because those are the reality. Kahit ayaw mo kailangan mong tanggapin dahil iyon ang totoo, wala kang ibang choice kung maniwala at lumaban kundi ay matatalo ka. Kailangan mo maniwala at kailangan mismo ng tiwala.

Sa laban ng mundo, kailangan mong piliin mabuti kung sino ang kakampihan mo. Dapat maging mapanuri at maalam sa sandatang mapili mo kundi ay mas mapapahamak ka, mas masasaktan ka, at mas malulugi ka.

Dalawang buwan na pala ang nakalipas simula nang manligaw si Kuya Haru sa kan'ya, dalawang buwan na'kong nagsasanay at dalawang buwan naring umaaligid sa'kin si Top.

"Hello po, ate" napatingin ako sa batang biglang humila sa uniform ko, it's Shane.

"Hello, naliligaw ka nanaman? Nasaan mommy mo?" tanong ko bago maupo sa bench na sinundan naman n'ya

Nandito kami ngayon sa field, pinapanood ang naglalarong soccer. Kakatapos ko lang mag-lunch kaya namamahinga ako rito, si Bea ay kasama ni Kuya Haru at si Gwen naman ay nagbabasa sa library kaya naman mag isa ako ngayon dito bago dumating 'tong bata.

Wala ako sa mood magbasa dahil pinoproblema ko ang stalker kuno' ko. Alam kong inaasikaso na ito nila kuya pero hindi ko parin maiwasan isipin kung sino ang nasa likod ng account na'yon.

"Nasa meeting po" simpleng sagot n'ya bago ako ngitian at tumingin sa mga naglalaro, mukang wala rin s'yang magawa.

"Hey!" nakita ko si Top na naglalakad papuntang side namin ngayon, pinatawag s'ya kanina kaya napilitan s'yang iwan ako kahit halata namang ayaw n'ya umalis sa tabi ko.

"Hinahanap na ng totoong mommy yung anak natin" sabi nito. Tinaasan ko s'ya ng kilay pero ngumisi lang ito bago binaba ang tingin kay Shane, bahagya pa n'yang pinisil ang pisngi ni Shane.

"Shall we go?" tumango si Shane at nagumpisa na silang maglakad kaya sumunod nalang ako wala rin naman akong gagawin.

Huminto muna ako saglit sa paglalakad at kinuha yung phone ko sa loob ng skirt nung maramdaman kong nag-vibrate ito.

From: Master Luan
I'll fetch you after your classes, we have visitors today. Haru is busy with his gf so don't come near to the others especially now that didn't know yet who's your goddamn stalker.

To: Master Luan
Alright! Copy, boss.
May gf na si kuya!?

"Who's that?" agad kong iniwas ang screen ng phone ko nung biglang sumilip si Top mula sa likuran ko.

Nasa harap ko sya kanina huh, hinanap ng mga mata ko si Shane at nakita kong kausap na s'ya nung mommy n'ya kaya napailing nalang ako.

"Hindi pa man tayo, pinagpapalit mo agad ako" humawak pa ito sa dibdib na tila na nasasaktan.

"Arte mo" inirapan ko s'ya at agad na naglakad palayo.

"Tsk"

From: Master Luan
He didn't tell you?

"Pst" napalingon ako sa likod ko, nandoon si Top nakasibangot habang nakasunod sa'kin.

To: Master Luan
Kuya wala s'yang sinasabi sa'kin.

Walang sinasabi sakin si kuya Haru at hindi ko rin sigurado kung si Bea nga yun dahil wala rin itong sinasabi. Geez, baka mamaya ginagawa n'ya lang kabet si Bea huh.

"Hey, san ka punta? Sa kabilang building ang classroom natin" sabi ni Top at tinuro pa yung kabilang building kung nasaan ang classroom, papunta kong basketball court ngayon kasi sabi ni kuya Haru maglalaro raw sila, hindi ko nga alam ba't nakasunod parin sakin 'tong si Top.

"Pupuntahan ko lang si kuya Haru" sagot ko bago ibaba ang tingin sa cellphone ko.

From: Master Luan
Just ask him. It's better if he's the one who will tell you.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now