Chapter 36

2.2K 79 11
                                    

This dumb shit really has no fear of my brother. Akala ko ay pupunta kami sa park pero bakit dito kami sa pinagdalhan n'ya sa'kin nung madaling araw.

"Come on" hinawakan n'ya ang kamay ko at inakay papunta roon.

Sa tulong ng mga puno ay kahit alas tres na, hindi mainit dito. Hinahangin ang dress na suot ko ng mga sariwang hangin

"Let seat there" tinuro n'ya yung bench na nasa kabilanh dako nitong tulay.

"Nakausap ko yung taga pangalaga nito and she told me the story behind this place" sabi nito bago ako maupuin at naupo sa tabi ko, may isang swing din na nakasabit sa sanga ng puno na malapit sa'min, gawa sa kahoy ang upuan at makapal na lubid amg may hawak sa puno at sa kahoy.

"Anong story?"

"This place is called Solanca Garden. Sabi sa'kin ay rati raw may isang couple na palaging nandito and they really loved each other, kitang kita sa mga mata nila ang pagmamahalan and actually, binili raw nila 'tong lugar kaso one day, hindi na pumunta rito yung babae tapos yung lalaki iyak nang iyak then nung tinanong nung taga pangalaga yung lalaki, which is yung owner, ang sabi raw ay naghiwalay na sila for some reasons.  Tapos that's also the last day na nakita n'ya yung lalaki, hindi na rin daw bumalik but last month sabi n'ya ay nagpakita raw sa kan'ya yung lalaki at ang sabi ay hayaan daw gamitin 'tong lugar na'to ng mga taong tunay na nagmamahalan, kapag may nakitang spark sa mga mata ng taong gagamit ay hayaan daw"

"Medyo naguguluhan ako sa huling part nung sinabi mo" sabi ko na mahina n'yang ikinatawa.

"Nang unang punta ko rito, iyong araw bago ko sa'yo ipakita 'to. Actually, may ibang couple rin na gusto 'tong lugar kaya nga nagdalawang isip ako kung pwede ba tayo rito kasi actually couple talaga silang pumunta sila samantalanag ako mag-isa. Tapos nung pinakwento isa-isa ewan ko ba kung bakit yung sa'tin ang nagustuhan n'ya"

"Anong sa'tin ang nakwento mo?" Tanong ko na tinawanan lang n'ya at umiling. Kinabahan tuloy ako na baka nagsinungaling pa s'ya para lang- "don't worry, hindi ako nagsinungaling."

Bahagya lang akong natawa at napailing. "So what now?" Tanong ko at bigla nalang s'yang kinabahan at nag-panic.

I watched him held my hand and gently squeezed it. "Do you love me?"

Agad akong natigilan at napatitig sa kan'ya dahil sa nakakagulat n'yang tanong. "H-huh?"

"Can you be officially mine?"

Dumagundong sa lakas ang tibok ng puso ko. Nanatili ang tingin ko sa mga mata n'ya, naguguluhan ako kung bakit biglaan ang ganitong tanong n'ya at tila ayaw rin kumalma nitong damdamin ko. 

"Tama sila Glenn, our relation is just a shit without label so please tell me. Do you feel the same? Ang labo dahil maski ako ay naguguluhan din. Ang hirap maghanap sa wala" sabi n'ya habang nakatingin sa mismong mga mata ko.

"Pero-"

"Wala akong pake kung ayaw ng mga kapatid mo, handa akong ipaglaban ka sa kanila. Babe, makinig ka sa puso mo ikaw lang ang makakasagot I love you so damn much now I'm asking you do you feel the same?"

I saw how the tears started to form in his eyes. Just like me, he looks so afraid of the answers. I took a deep breath and listened to what my heart wants to say. Something I'm afraid to admit. I'm way too weak to commit. But I know I have him, I can grip tightly to his hands while we're fighting the storms. Alam ko rin na kapag inamin ko, alam kong wala na'kong takas. Kapag tinanggap ko, sa pagtanggi ay wala na'kong lakas.

"You have me... But I can't be with you when you fight my brothers, yes, I feel the same pero hindi kita kayang ipaglaban ka sa kanila. You can't fight alone and I will never be on you side if ever you hurt them. I'm sorry, I don't think I can lose my brothers." Nabasa ang kamay naming magkahawak, hindi dahil sa ulan o tubig kung saan, kundi dahil sa mga mata ko.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now