Chapter 30

2K 74 8
                                    

I'm starting to be like them or maybe I was really like them, my demons aren't just awake but now, I am completely like them. Now, I could kill without thinking about the people they will left out there because they deserve to die.

"Una na'ko bye" sabi ni Hunt at patakbong umalis nang bumukas ang elevator, naglibit balikat nalang ako at tuluyan ding lumabas, may mga nakasalubong akong ilang tao pero hindi ko sila pinansin at umaktong walang nangyari.

"Done" sabi ko nang salubungin ako ni kuya Haru at inabutan n'ya ako ng coat kaya agad ko iyong sinuot, kay kuya Luan siguro 'to.

"Well done. Tara na, baka may makapansin pa" sabi n'ya na tinanguan ko naman bago kami maglakad papunta sa kotse.

"We need to hurry up, may bisita si mayor Gould na naka-stocked ngayon elevator" sabi ni kuya Luan nandoon s'ya sa tabi ng driver seat kaya doon ako naupo sa likod. Buti nalang din talaga at soundproof ang office na'yon kaya walang nakarinig sa mga sigaw n'ya.

"Kuya, sa tingin ko sinusundan tayo ng nasa likod" sabi ko nang mapansin na kanina pa iyon nakasunod kaya napatingin din si kuya Luan sa likod.

"Damn," agad na kumuha ng baril si kuya Luan at inabotan din ako.

"Luna, ikaw magdrive ako r'yan" sabi ni kuya Haru habang nagda-drive.

"Hindi ako sanay" mabilis kong sagot, medyo sanay naman ako pero dahil nag-panic din ako sa sitwasyon ngayon ay sigurado akong hindi ako makakapag drive.

"We can do this. Haru, just keep driving" utos ni kuya Luan bago tumingin sa likod, naglabas narin ng baril yung van sa likod namin.

"Yung gulong at driver ang patamaan" sabi sa'kin ni kuya Luan bago ilabas yung katawan n'ya sa bintana at paulanan ng bala yung van sa likod, ganun din naman yung ginawa ko.

Ang binabaril ni kuya Luan ay yung mga taong naka silip kaya ang binaril ko ay yung gulong, gumewang ito agad at halatang nahihirapan ng kontrolin nung driver kaya napangisi ako bago kumuha ng panibagong baril, naubosan na'ko ng bala. Ang hirap pala talagang makipag barilan kapag umaandar.

"Stop! Okay na yun" sabi ni kuya Luan kaya binalik ko agad yung baril na kinuha ko tsaka tumingin sa likod, nabanga sila sa isa pang kotse na naging dahilan ng traffic.

"HINDI ka sumasagot sa mga text at tawag ko, busy ka ba sa kabet mo?" Napairap ako agad sa bungad ni Top nang sagutin ko ang tawag nito.

Kakabigay lang sa'kin ulit ni Kuya Luan nung phone ko, binigay pala sa kan'ya ni Kuya Haru at pagbuhay na pagbuhay ko palang ay umulan na ang texts at missed calls mula sa iisang number, kay Top.

"Tsk nakay kuya nga yung phone ko, ikaw? Nag-enjoy ka ba kasama ang babae mo?" Umirap pa'ko bago humiga sa kama.

"Kaibigan ko lang yun"

"Kaibigan nga ba talaga o kai-bigan" Sarkastikong sagot ko.

He took a deep breath, muka nai-stress narin sa'kin. "Tsk kaibigan, friend"

"Sus, palusot mo" I laughed but my face remained serious.

"What? I'm telling the truth." Mahihimigan ang inis sa tono ng pananalita n'ya.

"Telling the truth mo muka mo. "

"Tsk ehh yung lalaki mo? Bakla nga ba talaga? Mukang mas lalaki pa yata kay Nate yun" kumunot yung noo ko sa sinabi n'yang iyon. Nabanggit ko kasi nung nasa dorm palang n'ya na gay friend ko ang susundo sa'kin kaya ngayon ayan ginagawan ng issue, bwisit.

"Bakla nga yun tsk kung ayaw mo maniwala edi h'wag" pagkasabi ko noon ay pinatay ko na agad ang tawag at chinarge yung phone ko.

Bumangon ako ulit bago lumabas ng kwarto, naalala ko kakausapin ko pala si kuya Luan tungkol doon sa piano lesson na gusto ko i-take.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now