Chapter 52

3.7K 85 9
                                    

Because of my fear, I ghosted him. Ilang araw na'kong nag-iisip kung paano ako aamin sa kaniya. Ilang araw narin siyang tumatawag at nagte-text sa‘kin pero hindi ako sumasagot, pinagbawalan narin ni kuya si Top makapunta rito sa mansion kaya hindi rin ito pumupunta pero alam ko na dumaraan parin siya kahit hindi naman dito ang daan papunta sa condo o bahay nila, nakausap ko yung guard na kinaibigan pa ni Top noon, nangungulit daw ito na papasukin siya at ilang beses pang tumatambay sa labas ng mansion.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo nang may kumatok sa pinto. Bumungad sa akin si Kuya Haru na mukang kakauwi lang. 

“Oh,” inabot niya sa‘kin agad ang isang box ng donut na ikinakunot ng noo ko, dapat sa mga bata na niya ito binigay.

“Pinapabigay sa ‘yo iyan ng lalaki mo, reply-an muna kasi, bwisit ako ang ginugulo.” Iritang sabi nito bago maglakad paalis, iniwan sa akin ang box.

Napakamot ako sa batok ko bago maglakad papunta sa kwarto ng mga bata, naabutan ko sila roon na masyadong naglalaro.

“Who wants some donuts?” Ngiting tanong ko na agad na umagaw sa atensyon nila.

Naglakad ako papalapit, kaniya-kaniyang bitaw naman sila ng mga laruan at agad na sumunod sa akin papuntang table.

“Mommy, I want to go somewhere fresh.” Aya ni Sea habang kumakain, she even swinging her feet off the ground. 

"Somewhere fresh." I whispered and Solanca garden suddenly appeared in my mind.

"I know a perfect place to go." Ngiting sabi ko na ikinangiti rin nila. I missed that place, I want to take them there, sana lang ay tama ang daan na naalala ko at sana ay nandoon parin ito. I wondered how Ate Ley's life was going. She's probably on her 50's now.

"Where?" They asked in unison.

"Kung saan kami madalas noon ng daddy n'yo." Ngiting sabi ko kaya napangiti rin sila at tumango, mukang nasabik pa.

"WE'RE here." sabi ko at hininto ang kotse sa gilid.

"Dito po?" Takang tanong ni Sea na tinanguan ko naman, tulog ang dalawa sa tabi n'ya kaya napabuntong hininga nalang ako at napa-iling, hindi kasi mga natulog kanina.

"Babalik din kami agad." Bulong ko bago sila halikan sa noo at isara ulit yung pinto.

"Let's go, sandali lang tayo huh. Walang kasama mga kapatid mo roon." sabi ko na ngiting tinanguan naman n'ya.

I left their phone inside and a note na tawagan nila ako agad pagkagising nila. I held Sea's hand and guided her through the path.

"Wow." Manghang sabi n'ya bago ilibot ang tingin dito. Napangiti nalang din ako nang bumalik ang mga ala-ala namin dito. Walang pinagbago, maganda parin at mukang alagang-alaga.

"Let's take a walk." Ngiting tumango s'ya bago kami maglakad papuntang bridge.

"Rito kami nag-stargazing noon, naglalatag pa kami ng sapin at hihiga roon sa duyan." Tinuro ko ang duyan. "Nahiga rin kami rito sa gitna mismo nitong tulay."

"This place is so breathtaking, I bet this will look romantic at night." Ngiting sabi n'ya na ikinatango ko naman, totoo naman.

"Mommy, sakay mo 'ko." Tinuro n'ya ang duyan kaya agad ko s'yang binuhat para makasakay roon.

"I love this place mommy."

"I loved it too." Ngiting sabi ko.

"Luna?" Napatigil ako nung may marinig na boses, nanigas ako sa kinatatayuan ko at binabo sa lakas ang tibok ng puso ko.

I slowly looked back, I saw him, standing exactly in the middle of the bridge. Nagbadya ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa berdeng mga mata n'ya.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now