Chapter 9

2.8K 92 6
                                    

Katahimikan. Iyan ang namayani sa pagitan namin ni Kuya Haru na naghihintay rito sa tapat ng gate. Ang tagal n'ya dumating. Kanina ay tuwang tuwa si Bea nang in-invite ko s'ya sa birthday kako ng kapatid ko, hindi ako nagbanggit ng pangalan, sabi ko lang ay birthday ng kuya ko. Bukas ay pupunta kami sa mall para bumili ng gift.

Sabado bukas kaya walang pasok, Linggo naman ang birthday ni Kuya Haru at sa Martes ang camping, sayang lang at hindi ako makakasama dahil nga ayaw ni Kuya Luan. Pero I'll try my best parin to convince him, baka magbago pa isip n'ya.

"Malapit na raw si Kuya Luan" napatingin ako kay Kuya Haru nang magsalita ito. Tutok s'ya sa phone n'ya at mukang busy-ng busy sa ka-chat, sana all nalang may ka-chat.

"Dala mo earpods mo?" tanong ko na tinanguan naman n'ya.

"Kunin mo sa loob ng bag ko" utos n'ya at agad na inabot sa'kin ang bag n'ya.

Pagbukas ko nung bag n'ya ay napangiwi ako nang makitang puno ito ng chocolate at iba't ibang uri ng papel. Naks daming admirer huh, at dahil may pagka-pakielamera ako, kinuha ko yung isang papel na pinaka simple at binuklat ito.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hey Arche, it's me again.
I know you have a lot of admirers,
No wonder why you didn't read my letters.
I already saw you carrying your bag full of presents.

Most of girls in our campus adore you alot,
I heard from someone that your birthday will come.
That's why I wish you all the best,
I hope I can come, but I cannot.

And to that special girl who you're going spend your life with.
I hope she will love you like I do.
You seem so high to reach,
And I want to touch you so bad, but you're way too high.

I hope one day will come,
When you will notice my existence;
When you will let me feel you the love;
When you will choose me.

Lovely yours,
L

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Napangiti ako nang mabasa ang poem. I liked it, I wonder who wrote this, I like poems. Hmm, seems like my brother got something new. This L seems really likes him huh.

Tumingin ako kay Kuya Haru, alam kaya n'ya kung sino 'to? "Kuya sino si L?"

Gulat s'yang nakatingin sa'kin bago bumaba ang mga mata sa hawak kong mapapel pero ang mas ipinagtataka ko ay bigla n'ya iyong hinabloy sa'kin, munyik pa mahulog ang cellphone n'ya pero muka wala naman s'yang pake. Nakita kong tinupi at nilagay n'ya sa bulsa ang papel bago umiling.

"Basahin muna lahat, h'wag lang ang mga sulat n'ya" seryosong sabi n'ya kaya bahagya akong natawa. Sino kaya 'to?

"May gusto ka sa kanya noh?" pang-asar ko at bahagya pang tinusok ang tagiliran n'ya kaya sinamaan n'ya ako ng tingin.

"Tsk wala, I don't even know her" sagot n'ya at nagkibit balikat. Nung mapansin kong kukuhanin na n'ya ulit ang nag n'ya ay agad akong kumuha ng dalawang toblerone sa loob, mukang bigay ito ng mga admirer n'ya. Ngayon alam ko na kung saan ako makakakuha ng chocolate kaya nag-crave ako.

Hindi naman n'ya ako sinuway at hinayaan lang sa'kin ang chocolate na kinuha ko, magdadamot pa ba s'ya eh ang daming laman nung bag n'ya. Nakita ko ring binalik n'ya ulit sa bag ang sulat ni L at dumiretso ng tingin kaya napatingin din ako, huminto sa mismong harap namin ang kotse ni Kuya Luan.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now