Chapter 51

3.6K 94 10
                                    

Three days straight, hindi ako tinigilan ni Top. Bigla bigla nalang s'yang sumusulpot sa kung saan para guluhin ako buong araw.

"Fav, call your sisters." Utos ko na agad naman nitong tinanguan at bumalik sa loob ng mansion.

Kami-kami lang ang aalis dahil hindi pala pwedeng ipagpabukas ni Heize ang photoshoot at busy sila kuya, sina Hannah at Clea naman ay inaasikaso ang business nila kaya hindi na'ko nag-abalang ayain sila.

"We're here mommy." Agad kong binukas ang pinto ng kotse ko para makapasok silang tatlo roon sa backseat. Inabot sa'kin yung bag na dala nila, isang bag lang iyon at pinagsama sama na nila ang ibang gamit nila.

"Okay na?" tanong ko pagpasok din sa kotse.

"Yes mommy!" Mahihimigin talaga ang pagkasabik sa boses nila kaya napangiti rin ako bago paandarin yung kotse.

Habang nasa byahe ay paulit-ulit ko silang pinapaalalahan na h'wag na h'wag silang maghihiwalay dahil baka mawala sila at h'wag kakausap sa kung sino-sino dahil maraming masamang tao sa paligid, sinabi ko rin na h'wag silang pagpapadala sa kahit anong palabas ng iba.

"Traffic?" Patanong na sabi ni Ali nung naipit kami sa traffic, sumilip pa s'ya sa bintana.

"Mommy, look! Ang ganda ng car." May tinurong kotse si Ali kaya napatingin kami sa tinuro n'ya at nanlaki yung mata ko nung na-realize kung kaninong kotse ito.

"Sit down kids, aandar na." Sabi ko at agad na itinaas ang bintana sa side nila.

Napamura ako sa isipan nang saktong huminto sa tapat namin ang kotse ni Top. Iba ang kotse na ginamit ko ngayon kaya kampante akong hindi n'ya ako makikita. Agad na bumagsak ang panga ko nung makitang binuksan n'ya ang bintana n'ya.

"Here, manood nalang muna kayo r'yan, h'wag kayo kung saan-saan tumingin." prangkang sabi ko at inabot sa tatlong bata ang cellphone ko. Agad naman itong kinuha ni Fav dahil s'ya ang nasa gitna.

When I looked at him, I saw his cold and bored eyes while his head was resting on the back of his palm and his arm is in the window and his other hand is placed in the steering wheel. Mukang wala s'ya sa mood ngauon at inis na bumusina. Bahagya akong natawa bago mapailing. Ang ikli talaga ng pasensya n'ya.

"Mommy, why are you giggling?" Biglang tanong ni Sea kaya napatingin ako sa kanila at nakatingin pala silang tatlo sa'kin.

"Nothing sweeties, don't mind me. There's something funny running in my mind." Ngiting sabi ko kaya naguguluhan naman silang napatango bago tumingin ulit sa cellphone.

"Who is he mommy?" Gulat kong napabusina nung biglang may bumulong sa'kin, napatingin din sa'kin si Top bago umirap.

"Sea! H'wag mo nga akong ginugulat." Sabi ko at inalalayan s'ya nang pilit itong lumipat ng upuan papunta rito sa harap. "Baka malaglag ka."

"Ang ingay manood ng dalawa roon, mommy, ayoko namang panoorin pinapanood nila." Sabi n'ya bago tumingin sa labas ng bintana.

Napatingin ako sa dalawa, tama nga s'ya, ang ingay nila roon sa likod habang nanonood, mukang nagtatalo pa.

"Who is he?"

"Who?" Tanong ko bago paandarin ulit ang kotse, nauna na ang kotse ni Top nang nawala yung traffic. Nagmamadali yata s'ya.

"That guy po, yung kanina na nasa kabilang car kanina. I saw you mommy, you're staring at him and I can say that he's the reason why you're giggling." Mahinang sabi n'ya pero sapat para marinig ko, ayaw n'ya rin sigurong marinig nung dalawa.

"Nothing, don't mind him. He's just someone I know"

"A friend?"

"Y-yes." Sagot ko, buti nalang at hindi na s'ya nagtanong pa matapos iyon.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now