Chapter 1

7.1K 150 14
                                    

My name is Luna Soleil Lewis. Just like the moon, Im gorgeous on my own, even if Im full of flaws; And just like the sun, I can shine brightly pero sakit sa ulo ang dala, lalo na sa dalawang kuya ko. Madalas silang nai-stress sa mga pinaggaga-gawa ko pero hinahayaan parin naman nila ako kasi I am unstoppable, their one and only princess.

Prinsesa nila ko pero dyosa ang tingin ko sa sarili ko. Not literally dyosa pero dahil sa gandang taglay ko, pwede na akong ituring na isa sa kanila– char.

"Luna, bumangon kana ryan!" Sigaw ni kuya Haru sa labas ng kwarto ko habang patuloy pa rin sa pagkatok.

Thats my brother, Arche Haru Lewis. Isang taon lamang ang agwat ng edad ko sa kaniya kaya kami ang madalas magkasama, especially sa away, damay-damay na to tutal siya rin naman ang kadalasang dahilan ng pakikipag-away ko, dahil sa mga babaeng may gusto sa kaniya na gusto akong palayuin.

"Eto na, gising na!" Sigaw ko pabalik bago magtalukbong ulit ng kumot, inaantok pa ako.

I was about to dozed off again when I heard my phone rang. Tsk takte, istorbo nanaman to!

"Hello?" Bungad ko sa kabilang liniya habang nakapikit parin, pinatong ko sa tainga ko ang cellphone at yumakap sa unan.

"You have class right?" Sabi sa kabilang linya. Sino naman ito? Bakit alam niyang may pasok ako? Psh, baka isumbong pa ako kay kuya Luan.

"Hmm, why? Sino ba to?" Antok kong tanong.

"The heck? Get up, Luna!" Agad kong minulat ang mga mata ko, napabangon pa ako agad at tinignan ang pangalan ng kausap ko sa telepono. Hala! Si kuya Luan!

"Eto na, eto na, hehe gising na ako kuya Luan, gising na gising na po. Good morning!" Bati ko.

"Tsk, good morning too. Dont forget to eat your breakfast, kay? I will assign someone to guard you and Haru." Sabi nito na mas lalong gumising sa diwa ko.

"What? No need na yan kuya, kaya naman namin sarili namin." Sagot ko.

"Ahh kaya pala wala pang isang buwan na-kick out na agad kayo no?" Sarkastikong sabi niya sa kabilang liniya kaya mas lalong humaba ang nguso ko.

"Ehh kuya, hindi naman na namin kasalanan iyon, sila kaya itong unang sumuntok kay kuya Haru at nanabunot sa akin." Reklamo ko, tumayo narin ako at niligpit ang pinaghigaan pero agad akong napatigil nung marinig syang suminghal sa kabilang linya.

My eyes widened when realization hits me. "What did you say?!"

"Joke lang yun kuya." Palusot ko.

"Ano ba talaga ang nangyari? Sabi ng dean sa akin-" pinutol ko agad ang sasabihin niya dahil alam kong magsusunod-sunod na ang sermon nito, muntik na ako masermunan kagabi, masiyado paring maaga para makatanggap ako ng sermon ngayon.

"Bye bye na kuya Luan, tawag nalang ako ulit mamaya, tinatawag na ako ni kuya Haru, kakain na raw." Pagdadahilan ko.

Narinig ko siya ng bumuntong hininga kaya ngiting tagumpay nanaman ako! "Yes! Fine, eat well my princess. Hwag matigas ulo, hmm?"

"Yes sir! Babush na kuya, love you!" I giggled, when he responded to my love you before I ended up the call.

I went inside the bathroom and did my morning routine. After that, I went downstairs, nakasalubong ko pa si kuya Haru na palabas din sa kwarto niya, magkatabi lang ang kwarto namin pero mas lalong kumunot ang noo ko nang tignan siya mula ulo hanggang paa.

"Ano yang suot mo?" Tanong ko.

"Uniform?" He answered with an 'in a matter of fact' tone before looking at my clothes. "Eto yung diniliver kagabi, ikaw? Bakit hindi ka pa nakabihis?"

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now