Chapter 20

2.4K 80 15
                                    

I want to try new things but I'm afraid of what could be the outcome. Funny how a lot of people were fighting the urge to do a certain action, wasting a lot of opportunities because they're not ready for the possible results. They're afraid to face the consequences of the action they might do.

Pero anong magagawa mo kung uupo ka lang at maghihintay? Hindi ka na baby para mag hintay na subuan ng pagkain, hindi ka na bata para bantayan at saluhin kung madadapa ka man. You need to stand on your own, fight of your own, and do things for yourself.

The sun is now ready to leave, it's getting dark and the moon was already there to take up the spot. I closed my eyes when I felt the cold breeze touching my bare face. I refused to wear the helmet kaya naman maayos ang pag-drive n'ya ngayon, hindi na parang nakikipag karera. 

"Saan tayo pupunta?" tanong ko, alas singko mahigit na at hindi ito ang daan papunta sa mansion namin o sa kanila.

"You said you wanted to learn how to play other instrument... I'll teach you, I have piano in my condo" sagot n'ya.

Nabanggit ko kanina sa kan'ya nang may makita akong tumugtog doon sa park na gusto kong matutong tumugtog din, libangan lang. Gitara lang kasi ang sanay kong tugtugin, nanghihiram ako noon kay Kuya Luan at s'ya rin ang nagturo sa'kin kaya.

HUMINTO kami sa isang building, agad kaming pinapasok nung guard nung makilala n'ya si Top bago kami tuluyang pumunta sa condo unit n'ya.

Malinis at maluwag, naakayos lahat ng gamit dito. Maganda rin, pagkalabas sa balcony ay kitang kita agad ang iba't ibang ilaw mula sa mga nagtataasang gusali at mga bahay. Nabanggit n'ya na madalang s'ya rito dahil doon s'ya pansamantala pinapatira nung magulang n'ya sa bahay nila.

"Patapos na 'to, may chocolate roon sa kwarto ko kung gutom ka na pwede mo namang kainin muna" sabi ni Top habang nakatalikod sa'kin, nagluluto s'ya ngayon ng dinner daw namin. Ako naman ay heto, nakaupo lang habang pinapanood s'ya.

"Saan kwarto mo?"

"Black door" tangging sagot n'ya kaya agad na'kong tumayo para pumunta roon, hindi naman sa gutom na 'ko pero kasi gusto kong chocolate.

Naglakad ako papunta roon sa kwarto raw n'ya, hindi naman ito mahirap hanapin dahil nag iisa itong itim na pinto. Pagbukas ko ay amoy ko agad ang pabangong gamit n'ya at tulad nga ng inaasahan ko, malinis dito at nakaayos lahat, mas malaki yung kwarto n'ya sa bahay nila kaysa rito.

Dumiretso ako sa kama n'ya nang nakita kong nandoon nakapatong ang chocolate na tinutukoy nya. Nung umupo ako sa kama ay agad na umagaw ng atensyon ko ang isang picture frame sa bedside table. 

Picture n'ya ito na may kasamang isang babae at isang lalaki na hindi ko naman kilala kaya binalik ko agad iyon doon. Dito ko narin kinain ang chocolate dahil mas malamig dito, binuksan n'ya yata ang aircon.

Nakalahati ko na ang chocolate nung biglang bumukas ang pinto at pumasok si Top. Sinundan agad s'ya ng mga mata ko habang kumakain akong chocolate.

"Tapos ka na magluto?" tanong ko na tinanguan naman n'ya. Dumiretso s'ya sa cabinet at kumuha ng isang damit. Agad na nanlaki ang mga mata ko at nabulunan nung walang pasabing naghubad s'ya mismo, dahil sa pag ubo ko ay napaharap din s'ya kaya agad kong tinakpan ang mga mata ko.

"Bakit ka nakaganyan?" tanong n'ya.

"Nagdamit ka na?" imbis na sumagot s'ya at narinig ko s'yang tumawa. Nang marinig ko ang tunog nang pagbaba n'ya sa zipper ay mas lalo kong tinakpan ang mga mata ko. 

"Done" sabi n'ya matapos ang ilang minuto. Sumilip muna ako sa isang saliri at nung masiguradong nakabihis na nga s'ya ay umayos na'kong upo.

"Sino 'to?" curious kong tanong saka hinawakan ulit yung frame.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now