Chapter 47

2.5K 70 5
                                    

Katotohanan ang pinaka mahirap tanggapin sa lahat. Tila hinihiwa ang aking balat, lalo na't gustong gusto ko talikuran ang lahat. Para akong nalulunod sa tubig alat, kadiliman ang sa akin ay pumalibot at wala akong kamay na maabot. Nakakatakot.

Agad kong pinunasan yung luhang tumulo sa mata ko at mapait na napangiti. Binuksan ko ang gallery ko para palitan ang wallpaper peeo napahinto ako dahil halos puro picture namin ni Top ang bumungad.

"Ang hirap mo namang takasan." bulong ko bago mapait na ngumiti. Pero wala akong lakas na labanan.

Simpleng bulaklak nalang na nakita ko sa option ang pinili kong wallpaper dahil ayokong makita ang mga nasa gallery ko.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok dito at dahan-dahang bumukas. Nakita ko si kuya Haru na may dalang tray, agad itong ngumiti sa'kin bago maglakad papalapit. Tinanggal ko agad ang earpods sa tainga ko.

"Food delivery for my precious princess." Pilit akong ngumiti bago muling bumangon.

"Thank you."

"Do you want anything else?" Agad akong umiling sa kan'ya. Naupo s'ya sa kama at tumingin sa'kin, nanatili lang ang mga mata ko sa pagkain na nasa harap ko. Parang wala akong gana."Do you have questions? Come on, I'll try to answer."

I took the deepest breath I could ever take. Gusto kong itanong ang gumugulo sa isip ko pero natatakot ako. Ngunit walang magagawa ang takot ko dahil uhaw sa sagot ang isip ko.

"Paano n'yo nalaman yung tungkol sa pangloloko ni Top?" I gulped and avoided his gaze.

He let out a deep sigh. "Nung birthday mo, kinabukasan noon, someone called kuya Luan and I. We can't recognize their voice because they're using voice changer but they told us that Top is only using you and fooling you." Agad na nagbadya ang luha sa mga mata ko. My birthday? Ilang araw na ang nakalipas. "They sent us a picture na pumunta si Top sa bahay nung girl na nakatakip yung muka."

Agad na kumunot ang noo ko. "Nakatakip yung muka?"

"Yeah, I think they did that on purpose. Hindi namin nakita ang muka nung babae but we started to investigate him. Sinundan din namin ang bawat lakad n'yo, ang huli ay iyong umalis s'ya mag isa. He went out with a middle aged man and they talked about serious matter." Seryosong sabi nito.

Agad kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Ang akala ko ba ay tungkol sa company ang meeting n'ya kapag umaalis s'yang mag-isa.

Malalim itong bumuntong hininga. "Hindi namin nakilala ang kausap ni Top pero may nilabas s'ya na laptop at may kinausap doon si Top. Its a girl, galit na galit na si kuya Luan noon lalo na nang nagsabi ng I love you and I miss you si Top, sinabi pa n'ya na sandali nalang at magkakasama na sila ulit. Tapos may usapan na tungkol sayo."

"Tuloy mo kuya, please." Sabi ko nang huminto s'ya. Mukang nag-aalangan pa s'ya kung itutuloy. Pero gusto kong malaman lahat, kahit na ikakasakit ko, kahit na ikakadurog ng puso ko.

"Gusto mo talagang malaman?" tumango ako agad. "Pumayag s'ya sa sinabi nung lalaki na makipag break sa'yo. When that man asked him if he already fallen for you, he answered no. Sinabi n'ya ay hinding hindi s'ya mahuhulog sa'yo at ginawa n'ya lang ang lahat para roon sa babaeng nasa screen, para magkasama sila ulit. Yung ngiti sa labi nung lalaki, kakaiba at may halong duda. Itong si Top naman ay tinanggi nang tinanggi na may namamagitan at may nararamdaman na s'ya sayo. That made kuya Luan, more furious."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para iwasan ang malakas na paghagulgol. Tumayo si kuya mula sa kinauupuan n'ya at mas lumapit sa'kin. Yumakap s'ya sa'kin kaya mas lalo akong naiyak. "I'm sorry. We wanted to protect you but we failed. Sa ming tao ka naming naipagkatiwala."

"Both of you didn't failed, kuya. It was all my fault to be fooled by his lies." sabi ko at pilit na ngumiti. "His soothing words, I never though it was all fake."

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now