Epilogue

4.4K 100 33
                                    

"Top, tama na yan lasing na lasing ka na. Maawa ka naman sa katawan mo oh."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang sumulpot dito sa bar 'tong kapatid ko. Nakakailang  shot na'ko pero hindi parin ako nalalasing o baka lasing na'ko hindi lang talaga mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Ang sakit. Ang sakit sakit! Galit s'ya sa'kin pero mas galit ako sa sarili ko dahil sa mga ginawa ko sa kan'ya at lahat iyon pinagsisisihan ko.

"Isa pa." Sabi ko sa lalaking nasa harap pero hindi ito sumagot at tumingin lang sa tabi ko.

"H'wag na, tama na kuya." tumango iyong bartender bago lumipat sa ibang costumer nila.

"Ano ba! Bakit ba nandito ka? Umuwi ka nga 'di ba sinabihan na kita, bawal ka sa bar!?" Inis kong sabi sa kapatid ko na ikinayuko n'ya.

"Look I'm sorry, I'm just here to fetch you up. Hindi mo na kaya at baka maaksidente ka pa kapag nag-drive ka na ganyan ang kalagayan mo." Hindi ko s'ya pinansin at hinablot yung bote na naiwan nung bartender bago magsalin sa bago ko.

"Tama na. Kuya naman!" halos mangiyak-ngiyak na s'ya habang pilit na inaagaw sa'kin yung bote na ikinatigil ko.

I can't see her crying. Palagi kong naalala sila mommy kapag nakikita ko s'yang umiiyak, dati si mommy lang ang nakikita ko sa kan'ya pero ngayon tangina, naalala ko si Luna kapag umiiyak s'ya! Naalala ko kung gaano ko s'ya nasaktan. Napaka tanga ko! Napaka bobo.

"Let's go home, kuya, please." He hold my hands and took the glass before placing it in the table.

Home. Haha tangina, wala na sa'kin iyon, pinagtabuyan na'ko ng tahanan ko. Nasaktan ko ang tahanan ko. Sinaktan ko ang tahanan ko.

"I'm sorry, this is all my fault, kung hindi dahil sa'kin hindi sana kayo maghihiwalay, kundi dahil sa'kin masaya ka pa sana ngayon. I'm sorry." I wiped the tears in his cheeks and forced a smile.

"That's not your fault."

It was mine, it was my decision. And I am fucking stupid, I never expected it to be this painful.

IT'S been years since she left everything behind. I loved her so much but what can I do? Wala akong karapatan na pagkaitan s'ya ng kalayaan, I want her to be happy even if it hurts a lot I'll accept it.

It's been years since I last saw her, I'm trying my best to find her. Hindi para pilitin s'yang mapasakin kundi para siguraduhin na masaya s'ya kahit sa piling na nung iba.

I do want her to come back and until now I'm still hoping that she will come home to me. I am her home, that's what she said and I'm still hoping that until now I'm still her home because she's still mine.

Many bitches tried to flirt with me but I shooed them away, my Luna will get mad if she found out.

I am the reason behind those scars in her heart, behind those tears in eyes, and I'll accept it if she hated me a lot but not the fact that he left this whole goddamn place. I know I deserve it though. Gustong gusto kong umamin sa kan'ya noon, nang umpisa palang lalo na noong napag-alaman kong nahulog na'ko pero palagi akong pinangungunahan ng takot ko. Naging duwag ako. Napaka hina.

I even do my best to explain myself to his brothers about why I did it but they both didn't believe me and get mad at me. I only received a lot of punches from them but I didn't fight back and they didn't listen to me. But I know I deserved it too. I deserve everything happening to me, I shouldn't complain. But it hurts so bad.

Sinong tanga ba naman ang sasaktan yung taong mahal n'ya at saka magmamakaawa na patawarin 'di ba? Ang bobo ko.

"Iho, mag aapat na oras ka nang tulala r'yan, madilim na kumain ka na ba? Masamang nalilipasan ng gutom." napabalik ako sa reyalidad nung marinig ang boses ni Ate Ley.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now