Chapter 28

2.1K 68 3
                                    

"Are you drunk?" tanong ko nang maalalang uminom nga pala s'ya kanina.

"Shit amoy ba? Naligo naman ako" tanong n'ya at inamoy pa yung sarili at sariling hininga. Hindi naman s'ya amoy alak, amoy bagong paligo nga.

"So uminom ka nga?" tanong ko, bahagya s'yang nataranta at dahan-dahang tumango.

"Kaunti lang. Don't worry, hindi naman ako lasing" tanggi n'ya na tinanguan ko naman. "Ikaw, uminom ka?"

"H-huh?" Mabilis n'yang nilapit ang yung muka n'ya sa'kin tsaka ngumisi. "Lumayo ka nga, wine lang ininom ko" sabi ko at tinulak agad ang muka n'ya.

Bahagya s'yang natawa at umiling. Muli s'yang tumingin sa langit habang nakangiti parin. Nandito kami sa rooftop para mag-stargazing, sabi n'ya ay wala naman daw pumupunta riro kaya rito nalang kami magpalipas ng oras, baka raw magsawa ako sa mga nakikita ko sa condo n'ya.

"Thank you," natigilan ako sa biglang sinabi n'ya, nanatili ang tingin n'ya sa langit at may tinuro pa na hindi ko naman naintindihan. I noticed how much he likes astronomy.

I stared at his face and start questioning myself about my feelings. Ang gwapo n'ya at parang mas naging gwapo s'ya ngayon. Do I like him? Paulit-ulit ko itong tinatanong sa sarili ko, maybe I do pero like palang naman 'to 'di ba? I can't love him yet. It feels forbidden. 

In the midst of the crowd, I can easily spot him. He has this something that makes him more special to me. I don't even know why do I like him but I know, deep inside, I don't want to lose him nor the bond we have.

"What's with that stare? Baka matunaw na'ko n'yan" pabirong sabi n'ya at mahina pang natawa bago tumingin rin sa'kin. 

I just smiled and remained silent. Nang mapansin kong babangon s'ya ay bahagya kong inangat ang ulo ko para maalis n'ya ang braso n'yang ginawa kong unan.

Umupo s'ya nang maayos at tinapik ang hita kaya iyon ang ginawa kong unan. May pool rito at mini bar, hindi ko lang alam kung bakit wala ngang tao, kadalasan kasi sa ganitong lugar ay matao lalo na kapag gabi peeo ngayon ay solo namin.

"I don't like it when someone's staring at me, but if it's you... why not?" he chuckled while brushing my hair softly.

"Ayaw mong may tumititig sa'yo samantalang kapag nasa school nasa 'yo palagi ang mata ng mga tao"

"Ewan ko, kapag tumingin ako sa kanila iiwas nila agad yung tingin nila pero ikaw kahit tumingin ako nakatitig ka parin, ganyan mo na ba ako kagusto?"

"Assumero, sabihin mo naiilang ka lang sa titig ko" sabi ko na tinawanan naman n'ya. Tumingin ulit ako sa mga stars kaso ay nakaharang ang muka n'ya.

I froze when my eyes met his emerald orbs once again. Kasing kinang ng mga bituin ang mga mata n'ya at tulad din ng isang bituin, tila isang nagbabagang apoy na unti-unting tumutunaw sa aking puso.

"Your eyes, are the prettiest star I have ever seen. Your laugh and smiles, are like a melody that I always wanted to hear. You're the brightest moon I always want to love. Thank you, I know that this stargazing with you, will be one of my best moments in my entire life" he held my hand and intertwined with his. I watched how my hands went up to his soft lips. "Tangina. Ang hirap na umahon, mas binabaliw mo 'ko sa bawat araw na nagdaraan."

Kusang umangat ang kamay ko sa pisngi n'ya at marahan itong hinaplos. Ayaw ko s'yang paasahin pero maski ang sarili ko ay umaasa rin.

"Gusto kong mainlove sa'yo kaso natatakot ako, masyado akong mahina pagdating sa ganito" mahinang sabi ko at mapait na napangiti. I want to reciprocate the feelings but I can't.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now