Chapter 46

2.6K 81 12
                                    

It was like a sudden hurricane, it was destructive, traumatic, and painful. Everything was just fine not until I woke up one day, when Top went out, disaster started to form.

I was peacefully watching from the tv when a loud and aggressive knocks bothered me. Maingay at sunod-sunod, kulang nalang ay sirain na ang pinto dahil sa lakas ng pagkatok dito. Inis kong pinatay ang tv bago tumayo mula sa kinauupuan.

"Sandali!" Sigaw ko mula riro sa loob pero hindi ito tumigil.

"Saglit nga sabi- kuya?" gulat kong sabi nang makita si kuya Luan sa madilim ang aura, nasa likod n'ya si kuya Haru na nakapoker face lang.

"Where's the fuck is he?" malamig na tanong ni kuya Luan kaya inayos ko yung bukas ng pinto para makapasok sila.

"Umalis si Top may pupuntahan lang saglit, maupo muna kayo sa sala." Sabay turo ko sa sala pero hindi sila sumagot at sumandal lang sa pader.

Sinarado ko ang pinto at naglakad papuntang sala, akala ko ay susunod sila pero hindi, nanatili si kuya Haru na nakasandal sa pader habang diretsong nakatayo naman si kuya Luan, mag-cross ang braso sa dibdib ang halatang masama ang timpla.

"Do you guys want something to drink?" Tanong ko at naglakad papalapit sa kanila, walang sumagot.

"Ano palang ginagawa n'yo rito?" I tried again to lessen the awkwardness, mukang parehong mainit ang ulo nila at walang kibo. Ako ang naiilang sa ginagawa nila.

This is the 2nd time na nakita kong ganyan pareho ang itsura nila. Naalala ko noon nung nasa grade school pa'ko may nang bully sa'kin at malakas na hinampas ang ulo ko sa desk na kahoy dahilan para dalhin ako sa hospital, galit na galit silang dalawa noon, kagaya ngayon.

I awkwardly laugh. "Wala ba kayong balak sumagot?"

"I hope you can still laugh after what will happen." Seryosong sabi ni Kuya Haru na ikinakunot ng noo ko.

"What do you mean?" tanong ko kay kuya Haru pero hindi s'ya sumagot at pare pareho kaming napatingin sa pinto nung bumukas yun

"I'm bac- what the fuck!"

"Top! Kuya!" Agad akong nataranta nang sugurin ng suntok ni kuya Luan si Top.

Humawak ako sa braso ni kuya Luan at plit na tinanggal ang pagkakahawak nito sa kwelyo ni Top. "Kuya, ano ba?! Bitawan mo nga s'ya."

Galit na galit s'ya. Mahigpit ang hawak n'ya sa kwelyo ni Top na halos umangat na sa sahig ang paa ngayon, I can see the anger in his eyes pero si Top gulat parin pero halata ang takot at kaba habang najatingin kay kuya.

"Kuya, ano ba?! Tulungan mo naman ako rito!" Inis kong sabi kay kuya Haru na naka-cross arms lang at nanonood sa'min.

Nagbabadya na ang luha sa mga mata ko dahil alam ko ang posibleng mangyari kay Top kung hindi ko mapipigilan ang galit ni kuya Luan.

"Tsk, deserve n'ya yan." malamig nitonh sabi kaya agad akong naglakad papalapit sa kan'ya at mabalis s'yang sinampal, nagulat ako sa ginawa ko pero mas nagulat ako nang biglang may kumalabog kaya napatingin ulit ako kanila kuya Luan.

Nanlaki yung mata ko nung makita si Top na nakaupo sa lapag ar nakasandal sa pinto. Ilang beses s'yang sinuntok ni kuya Luan dahilan para magdugo ang ibang parte ng muka n'ya.

"Tama na! Kuya, please, tama na." sunod-sunod na pagtulo ng luha ko habang nakayakap kay kuya Luan. Natigilan naman s'ya bago pabatong binitawan si Top kaya agad akong lumapit doon.

Hinawakan ko ang muka ni Top pero umiwas lang ito at napadaing. Kinilabutan ako nang malakas na suntukin ni kuya Luan ang pader, dumugo ang kamay n'ya pero parang wala lang sa kan'ya ang sakit dahil sa umaapaw na galit sa mga mata n'ya.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now