Chapter 38

1.9K 75 7
                                    

"Dito ba?" tanong ni Top habang nakatingin sa labas. Tumango ako bago tanggalin ang seatbelt.

Nang maayos na n'ya ang pagkakaparada ay excited akong bumaba, nakita ko agad si Freign—anak ni tito Ice na mas matanda sa'kin ng tatlong taon.

"Freign!" kinawayan ko pa s'ya na ikinagulat n'ya. Nakita kong nanlaki ang mga mata n'ya bago agad na tumakbo para salubungin ako ng yakap.

"Omg! It's you! I missed you, Luna!" Halos tumalon-talon pa ito sa tuwa habang magkayakap kami.

"Geez, how are you?" ngiting tanong ko bago humiwalay sa yakap.

"Heto maganda parin, ikaw kumusta? taray mas gumaganda ka huh." Puri n'ya at hinawi pa yung buhok ko sa balikat ko na mahina kong ikinatawa.

"Gaya parin ng dati" nagkibit balikat ako na mahina n'yang ikinatawa.

"Omg nakikita ko na ang future husband ko" napatingin ako sa biglang tinuro n'ya at nakita ko si Top na naglalakad papalapit sa'kin dala yung bag n'ya at maleta ko.

Gaga, sa'kin yan. Mas naging messy ang buhok ni Top dahil sa lakas ng hangin dito na nagdagdag attractive sa kan'ya. He looks so charming.

"Couz" nilapit n'ya yung muka n'ya sa'kin nang umakto akong may ibubulong. "He's mine." ngiting bulong ko na ikinagulat n'ya.

Naglakad ako papalapit kay Top at ikinawit ang braso sa braso n'ya. 

"Top, meet my cousin, Freign" ngiting sabi ko at tipid na ngumiti naman si Top bago makipag kamay kay Freign na muka kinilig pa.

"Freign san ka ba galing kanina ka pa inaantay nil- Luna?" Pare-pareho kaming napahinto nang may dumating na lalaki.

"Frost!" Ngiting tawag ko sa pangalan n'ya at agad itong niyakap, kambal sila ni Freign.

"Mga bata pumasok na kayo mainit na d'yan." Biglang sabi ni tita Heaven bago maglakad palapit sa gawi namin.

"Hi tita, it's nice to see you again." ngiting sabi ko bago makipag beso sa kan'ya.

"Nice to see you too, paganda nang paganda huh." puri n'ya bago mapatingin sa likod ko kaya napatingin ako roon. Si Top pala ang tinitignan n'ya, yung kambal nakatingin din sa kan'ya kaya halatang naiilang s'ya pero nanahimik nalang at pilit pang ngumiti sa'kin.

"Tita, si Top pala" hinila ko agad si Top palayo roon sa kambal.

"Hello po, magandang tanghali po" bati ni Top at kumunot yung noo ko nung makitang nakipagbeso pa si tita sa kan'ya bago nakangiting lumapit sa'kin.

"Ang gwapo, mabango pa. Boyfriend mo?" bulong nito sa'kin.

"Tita!" Ramdam ko ang pag-init ng muka ko na tinawanan n'ya lang ako bago lapitan ang kambal n'ya.

"Bakit naman hinayaan nyo sila rito? Hindi n'yo manlang pinapasok?" Sermon nito pero nagpatay malisya lang sila ang dalawa.

"Tita, nasan po pala si tito Ice?" tanong ko kaya napatingin ulit s'ya sa'kin.

"Umalis saglit. Babalik din iyon agad, halika na." aya n'ya sa'min bago pumasok sa bahay nila, katamtaman man ang laki nitong bahay at may 2nd floor pa nga sila.

"Mamahinga na muna kayo, kaso isang kwarto lang ang vacant pinagtig-isahan kasi nang dalawa ang kwarto at hindi ko rin naman alam na lalaki pala ang kasama mo kaya hindi namin sila pinalipat." Sabi nito at pilit na ngumiti. "Pero pwede namang magtabi na muna yung kambal kung hindi kayo sanay matulog magkasama" dagdag pa n'ya.

"What? Ma, ayokong katabing matulog 'to. Mas gugustuhin kong kasama si Luna kaysa kaysa rito." inis na tinuro ni Freign si Frost.

"Kapal mo kala mo naman gusto kitang katabi tsk kadiri ka kaya, hindi ka naliligo." singhal ni Frost sa kan'ya na ikinasinhhal niyo.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now