Chapter 12

143 8 1
                                    

CHAPTERS AHEAD ON PATREON.
www.patreon.com/officialwhosthatgirl
-----------------------------------------------

Hindi ko alam kung dahil ba sa sunod sunod ang mga ginawa ko pati ang mga exams ko nitong nakaraang linggo kaya malaki ang dark circles sa ilalim nang mata ko o dahil sa mga nararamdaman kong pilit kong isinasantabi kaya naging ganito?

Hindi ko alam. Pakiramdam ko pati ang ibang mga naiisip ko ngayon ay hindi ko na kaya pang ipaliwanag. Hindi naman kami ni Luke para masaktan sa ginawa niya. But, is it really necessary to invalidate my feelings just because we don't have any labels at all?

Sa sumunod na linggo ay mas naging abala pa ako dahil mas dumami pa ang mga kailangan kong gawin at ipasa. Mas naging abala pa dahil biglaan ang pag uwi nila Mommy kasama si Daddy.

"And you keep on pursuing that?"

Naka yuko ako at pinagmamasdan ang pagkain sa harapan ko habang nag sasalita si Daddy tungkol sa course na kinuha ko.

Suminghap ako at umangat ang tingin sa kanya pagkatapos nang tanong niyang iyon.

"Dad, matatapos na ako sa course na 'to. I thought we're done with this topic already?"

"I won't be supporting you on that,"

Napa irap ako sa hangin at sumandal sa backrest nang upuan.

"If only you're like Luna or—"

Nakita 'kong hinawakan ni Mommy ang kamay ni Daddy na nagpatigil sa kanya sa pagsasalita.

"Dad, let Aeria do whatever she likes." Singit ni Ate Luna

"She's not a teenager anymore. She needs to take responsibility."

"She is Daddy. Ano ka ba. She's doing so good—"

"Being good is not enough, Luna." He waved his hand in front of Ate Luna, dismissing the topic, "We need to talk about our stocks,"

Tumango si Ate Luna at nilingon ako. She smiled at me pero hindi ko masuklian ang ngiting binibigay niya.

Napa yuko akong ulit at kahit na gustong takpan ang mga tenga ay hindi ko naman magawa. I just this dinner done. I'm exhausted. Nilingon ko si Ate Luna sa tabi ni Dad na nasa kabisera. Sa harapan niya ay si Mommy na pinagmamasdan ako. Nang mag tama ang mga mata namin ay agad siyang ngumiti sa'kin.

I always see my Mom as a soft and kind hearted woman. Palagi siyang may excuses sa lahat nang ginagawa ni Dad. Palagi siya 'yong mas mahaba ang pasensya at ang pang unawa. I smiled at her and continued eating.

Natapos ang dinner nang hindi ko namalayan. Pagod akong nahiga sa kama. Pakiramdam ko, mas napagod pa ako ngayong dinner kesa sa mga gawain sa school.

Pagkatapos magpahinga nang ilang sandali at mag isip isip sa lahat nang sinabi ni Dad sa'kin, nag linis na ako nang katawan. A warm and foamy bath made my muscles relax. Sa dami nang iniisip ko at ginagawa kong sabay sabay, I definitely deserve this.

Nakaupo na ako sa harap nang salamin habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya nang marinig ang katok galing sa pintuan ko. Hindi naman nagtagal ay sumungaw na ang ulo ni Ate Luna mula 'don. A large smile was plastered on her face. Iniangat niya ang kamay na may hawak na ice cream.

"Dessert?" Tanong niya

I don't want to be rude kaya naman tumayo na ako at sinalubong siya. Pumasok na rin siya kalaunan pagkatapos isara ang pintuan ko.

"Saan sila Ate Sol?" Tanong ko dahil naupo na siya sa kama ko habang hila hila ang bed table ko.

"Tulog na ata. Bahala siya. Kain tayo," Iniabot niya ang isang kutsara sa'kin. Inabot ko 'yon at pinagmasdan siyang buksan ang ice cream.

Cigar Series I: Cigarettes & WinesWhere stories live. Discover now