Chapter 21

28 2 0
                                    

CHAPTER AHEAD ON PATREON.
patreon.com/officialwhosthatgirl
-------------------------------


The scent of the candles around us relaxed my muscles from overthinking about a lot of things that were going on between us, and that hot and steamy intimate time with him felt like something that just made me feel assured of the things that didn't make me sleep well after a long time.

Isinandal ko ang likod sa kanyang dibdib dahilan para ilayo niya ang sigarilyo niya mula sa akin. I followed the smoke from his cigar upwards before it faded into the air. Napansin niya ata iyon para ilayo niyang muli bago tuluyang patayin sa ashtray na nasa tabihan. Nilingon ko siya at agad naman nag salubong ang mga mata namin. His eyes were dark and full of mystery. I smiled at him. He crouches a bit to kiss my forehead.

Sumandal akong muli sa kanya at naramdaman ko naman ang braso niyang yumakap sa akin habang ang kamay niya ay nanatili sa tyan ko. Dahan dahan niyang hinahaplos ang braso ko habang pinapatakan ng tubig galing sa tub na nilulubluban namin dalawa.

I closed my eyes and just try to relax until I felt him hold my hand. Umangat ang tingin ko sa kanya at naabutan ko kung paano niya dahan dahan halikan ang kamay ko at isa isahin ang paghalik sa mga daliri ko. Hindi ko alam paano makabawi hanggang maramdaman ko na lang ang mga halik niyang nag umpisa sa kamay at natapos sa leeg ko. Hindi pa nakakabawi, he started it again and I could still feel myself throbbed for him, for his kisses, and his touch.

Na isang galaw lang ng daliri niya, halos mabaliw na naman ako. We did it again that I fell asleep after doing it with him for the fourth time. He just can't stop. Kung hindi siguro ako nakatulog sa sobrang pagod, baka hanggang umaga ay ganadong ganado pa rin siya.

Tinitigan ko ang likod ni Luke. Naka ikot lang ang puting blanket sa beywang niya na nagtatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya habang tulug na tulog itong naka dapa sa kama. The big size of his bed looked small because of him. Niyakap ko ang sarili pagkatapos isuot ang t-shirt niya saka naupo.

I looked at the ring on my finger. The ring looks elegant, finesse, and perfect. Hindi ko na nasagot pa ang tanong niya. I was so emotional that the only thing I had in mind was to let him know how much I was in love with him in every kiss, touch, caress, and moan.

Months went by like a blur to me. Mataas pa ang emotions ko dahil sa proposal ni Luke kaya para bang walang pangit na mood ang dumadaan sa akin kung hindi lang ako balitaan ni Ate Ina nang tungkol sa situation ni Daddy. Luke wants to talk to my parents properly about our plans of getting married.

Nasabi ko na rin naman sa pamilya ko ang tungkol kay Luke bilang boyfriend ko at wala naman silang problema sa kanya. Hinahanap pa namin si Tris na umalis ng Russia at hindi na mahanap pa. They're expecting us to go to Russia para mas maayos nilang makilala pero bago pa kami maka lipad papuntang Russia ay namatay na si Daddy.

I cried my heart out. Iniuwi nila Mommy ang katawan ni Daddy sa Manila kahit na gaano kalaki ang gastos. Ate Luna and Ate Ina financed all the expenses. Dahil na rin sa balitang iyon, ay kusa na rin naman umuwi si Tris sa amin.

Hindi ko alam kung saan kukuha ng lakas ngayon. I can't even cry like how my family did. Umaalis ako kapag may umiiyak sa paligid ko. Lumalayo ako at kinabukasan na bumabalik kapag tahimik ang lahat at walang tao o bisita ang burial ni Daddy.

Nahihilo akong nagising kinabukasan pagkatapos ilibing ni Daddy. Mommy wanted him cremated at iyon ang ginawa namin. Mommy stayed in our ancestral house in Batangas together with Mico and Tris. I can't come with her dahil na rin sa kompanya.

Ate Luna stayed in our Mansion in Quezon City for a while with Ate Ina pero sabay din silang umalis ng bansa pagkaraan ng ilang araw. Nag sunod sunod ang pagkahilo ko at binabalewala ko 'yon dahil alam kong pagod lang ako at palaging ganoon ang nangyayari sa'kin sa tuwing stressed ako. Hindi na rin na ulit ni Luke ang kagustuhan niyang kausapin ang pamilya ko tungkol sa plano namin na pagpapakasal.

"Kahit na gustong gusto ko ng palitan 'yang apilyido mo, I still want your family to grieve properly." Aniya

Isang ngiti lang ang ginawa ko sa kanya at saka siya niyakap. I cried in his arms. Sa kanya lang naman ako nagiging mahina dahil alam kong kilalang kilala na niya ako at hinding hindi niya ako huhusgahan sa mga panahon na mahina ako.

"I want a mansion." Si Luke habang tinitignan namin ang lupang gusto niyang bilhin. Ito yung secret place niya rin.

Tumawa ako, "I don't want a big mansion."

"What?" Nilingon niya ako at niyakap, "If they don't have a spacious mansion, how would my kids be running?"

Tumawa ako, "We can give them a big backyard? With a swimming pool?"

Sinamaan niya ako ng tingin, "Twelve kids won't fit in."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at hinampas ang braso niya, "Anong twelve ka d'yan? Ano ako baboy?"

Ngumuso siya at tinitigan ako, "Hmm okay. Ten?"

Umiling ako at lumayo sa kanya, "Two kids. One boy and one girl."

"No way."

I nodded at him at saka muling hinarap ang lupa at itinuro ang isang parte, "Do'n ang magiging entrance ng bahay natin tapos may garden sa unahan, sa gilid ang garahe ng mga sasakyan natin. Tapos salas, kitchen," Nilingon ko siya, "I want a big kitchen with all the baking needs and stuffs, a dirty kitchen where our dishes be going and our pantry— "

Napatigil ako sa pagsasalita ng maramdaman kong muli ang yakap niya sa'kin mula sa likod ko. Itinaas niya ang isang kamay niya kaya sinundan ko ng tingin 'yon.

"We'll have everything you want it to look like."

Ngumiti ako, "I want it all white, gray, and cream."

Naramdaman ko ang pagtango niya, "Everything you want, baby, I will give it to you."

Napangiti ako at masayang inisip ang mga bagay na gusto ko. Kumalas ako sa yakap niya at hinarap siya. I tiptoed and give him a peck. Nagulat siya sa ginawa ko saka hinawakan ang beywang ko para ipirmi ako. Ang isang kamay niya ay umakyat sa panga ko. He crouched a bit as his lips landed on my lips.

"I still want ten kids."

Tumawa ako at bumitiw sa halik niya, "No. Two."

"Okay. Nine."

Lalo akong natawa, "Grabe ka naman! Ikaw kaya manganak!"

Humalukipkip siya sa'kin at kunyaring nag isip bago ako muling binalingan, "Seven?"

Umiling ako sa kanya at natawa na lang. Tumakbo ako palayo sa kanya at mabilis naman niya akong hinabol. I scream when his arms wrapped around my waist. Tawang tawa ako hanggang isabit na niya ako sa balikat niya.

"Naughty, girl." Aniya sabay hampas sa pwet ko.

I giggled more and let him do whatever he wanted to do with me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cigar Series I: Cigarettes & WinesWhere stories live. Discover now