Chapter 19

276 12 6
                                    

CHAPTER AHEAD ON PATREON.
patreon.com/officialwhosthatgirl
WARNING: MATURE CONTENT.
-------------------------------

Umaalis ako sa lugar kung saan ako nakatayo kapag alam kong lalapit siya sa'kin at agad naman siyang napapahinto kapag may kakausap sa kanya. I can see frustrations in his eyes. Isang beses kong napansin ang galit sa kanyang mga mata at ang kagustuhan na matapos na ang pakikipag usap sa kanya ng mga taong nakapaligid sa kanya para lang malapitan ako.

"You must be, Selene Marquessa?" Napa lingon ako sa nagsalita at mabilis na nginitian ang lalaki. Umiling ako sa kanya at inabot ang kanyang kamay.

"Aeria Solemn Marquessa, her sister." Pagpapakilala ko Kumunot ang noo ng lalaki ngunit agad din naman nakabawi saka tinuloy ang pakikipag kamay sa'kin.

"Architect Marquessa. Ikaw pala. Hindi ko napansin. My bad. Trey Milan,"

Ngumiti ako, "I see that you're expecting my sister." Binitawan ko ang kamay niya

Tumawa siya saka siya kumuha ng isang wine glass na may laman din na champagne, "Not really. She's my colleague back in UCLC. Akala ko ikaw."

Tumawa rin ako at pinagmasdan siya.

"You two look alike." Aniya

Umiling ako, "Oh no. She's prettier than me." Saad ko bago bumagsak ang tingin ko sa mata ni Luke na ngayon ay para bang sobrang dilim na sa paligid niya.

Oh no, baby, don't look at me like that.

Wala sa sarili akong napainom ng champagne at pilit inintindi ang sinasabi ng Trey sa tabi ko. Natatawa kahit wala naman nakakatawa. I really need to excuse myself kung hindi ay baka may dumating pang pinag lihi sa sama ng loob.

"Yeah, dito ako nag-aral." Sagot ko sa tanong ni Trey habang kinakabahan na at hindi na muling lumingon pa sa banda ni Luke.

"I see." Tumango tango pa si Trey sa'kin, "Si Selene hindi na umuwi?"

Umangat ang tingin ni Trey sa likod ko at hindi naman nag tagal ay naramdaman ko na ang isang mainit na kamay na humawak sa likod ko.

I stiffened as my nostrils slowly filled with his perfume.

"Luke," Bati ni Trey saka nakipag kamay sa lalaki sa likod ko.

"Trey," Uminit ang pisngi ko at bahagyang napaubo at nag iwas ng tingin lalo na ng magpalipat lipat ang tingin ni Trey sa'kin at kay Luke saka sa kamay nitong nasa likod ko.

"I thought she's Selene. Kapatid pala niya." Saad ni Trey

Imbes na sumagot si Luke kay Trey ay nilingon ako nito saka kinuha ang wine glass na hawak ko pagkatapos kong inuman 'yon.

"That's enough drink for you tonight."

Umangat ang tingin ko sa kanya kasabay ng kilay ko, "What? No." Angal ko

"That's your fourth glass." Aniya bago muling nilingon si Trey na nanonood sa'min dalawa,

"I'd like to talk to my girlfriend alone,"

"I didn't know." Trey laughed awkwardly

"Now, you know." Masungit na saad ni Luke.

Trey nodded at me and smiled, "See you around, Aeria." Aniya

I smiled back, "See you around,"

"She won't see you ever again, Milan." Galit na saad ni Luke

Trey laughed at Luke before tapping his shoulders and leaving us alone.

Cigar Series I: Cigarettes & WinesWhere stories live. Discover now