Chapter 1

346 16 4
                                    

CHAPTERS AHEAD ON PATREON.
www.patreon.com/officialwhosthatgirl
-----------------------------------------------

Nanatili ang titig ko kay Luke. Kalat na kalat sa buong campus ang tungkol sa eskandalong nangyari sa Xylo. Wala pa rin si August at ang sabi nang ilang mga nakakakilala sa kanya ay nasa ospital pa rin ito.

Sino ba si Kristel? Kalat na kalat ang pangalan niya dahil s'ya raw ang may dahilan nang away ni Luke at August. I wanted to know everything about Kristel pero ayoko naman na kumalat din ang pagtatanong ko tungkol do'n. Maybe I'll just wait for August to recover at saka ako makikichismis.

"Tsk," Narinig kong palatak ni Aira sa tabi ko.

Nilingon ko siya habang naka kunot ang noo, "What?" I asked.

"Anong ginagawa na naman natin dito?" Inis na tanong niya. Kung pwede lang siguro pumatay ang mga mata nitong babaeng 'to, panigurado ililibing na ako ngayon.

"Bakit ka kasi sumama?" Tanong ko

Umirap siya, "Kung hindi ka ba naman talagang—ugh!" She hissed before scratching her head without even completing her sentence. Alam ko na rin naman ang sasabihin niya.

"Duh? Wala naman akong sinabing sumama ka," I answered sabay irap. Napaka arte talaga nitong isang 'to.

"Pero kasi nagpasama ka!"

Kumunot lalo ang noo bago dahan-dahan ngumiti sa kanya, "Oo nga pala. But you can say no!"

Umirap muli si Aira na para bang sasapakin na ako any moment now but she stayed calm.

"Isusumbong talaga kita kay Ate Luna!"

Hinila ko ang buhok niya para bahagyang yumuko, "Subukan mo talaga!"

Hinawi niya ang kamay kong naka hawak sa buhok niya, "Para kasi tayong ewan dito!"

Nasa isang coffee shop kami malapit sa school. Nalaman ko na dito nagpupunta si Luke kapag nag rereview. Kaya naman after exam, dito na agad ako nagpunta. Ewan ko ba dito kay Aira, sabi ko lang naman kung alam niya itong coffee shop na 'to. Hindi ko naman sinabing mag punta siya dito kasama ko.

Nilingon kong muli si Luke na nagbabasa habang umiinom ng kape niya; Triple Mocha Frappuccino, I even asked the barista for that. Napa ngiti ako. I even ordered the same, though, ayoko talaga nang mocha. I wonder kung bakit gusto niya 'yon? He can have chocolate instead.

"Tss. Para kang stalker na sunod nang sunod. Bakit hindi mo na lang lapitan para hindi ka mukhang tanga d'yan?"

Umiling ako, "Not yet. Busy pa siya ngayon. Lalapit ako after exams. Ayoko naman maka istorbo."

"Hay nako talaga!" Iritableng saad ni Aira bago asar na ininom ang order niya.

Umirap ako sa kanya bago muling nilingon si Luke. I continued watching him. Minsan ay mapapalingon siya habang nakakunot ang noo. Napapansin ata na may naka titig sa kanya. Pagkatapos ay saka muling babalik sa pag babasa.

After almost an hour, tumayo si Aira at dumiretso sa counter saka nag order nang makakain. Ubos na yung slice ng cake na binili niya kanina. Gutom na naman siguro kaya umoorder ulit. Nilingon ko ang drink ko. Halos hindi ko din nainom. Ayoko naman kasi talaga nang lasa nang mocha. Napa iling na lang ako bago muling nilingon si Luke.

Kumunot ang noo ko nang biglang may lumapit na babae sa kanya. Tumayo siya at humalik sa pisngi ng babae bago ito pinaupo sa katabing upuan niya.

Babaero rin talaga ang isang 'to ano? Sabi sa mga chismis, 'yong Kristel ang girlfriend niya. Pero ngayon may ibang babaeng kasama.

Cigar Series I: Cigarettes & WinesWhere stories live. Discover now