Chapter 14

123 7 0
                                    

CHAPTERS AHEAD ON PATREON.
patreon.com/officialwhosthatgirl

------------------------

I am literally spacing out. Parang hindi ako makabawi bawi sa halik na ‘yon! It’s been a week. Palagi naman kaming kumakain nang sabay ni Luke, minsan sinusundo pa niya ako sa bahay para lang ihatid ako sa school at susunduin pagkatapos at saka lalabas at kakain nang sabay.

That’s a routine for a week but I can’t even move on lalong lalo na sa mga halik niyang nanunukso at nang aakit! Oh well. Alam ko naman na sobrang wholesome ng mga halik niya pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sobrang madumi ang utak ko at iba ang nararamdaman ko. Of course, we make out every now and then!

Inabala ko muna ang sarili ko sa linggong iyon bago nakipag kita kay Luke nang Sabado. Hindi niya raw kayang makipag kita nitong mga nakaraang araw dahil abala sa trabaho at eskwela at ayaw niya rin daw akong abalahin dahil busy din ako lalo’t exams week pa. Kaya ngayon ay bumabawi siya.

“Where do you want to eat?” Tanong niya nang makapasok ako ng sasakyan niya.

Inayos ko na muna ang mga dala sa backseat saka umayos nang upo at isinuot ang seatbelt sa’kin at nilingon siya. Nakatingin siya sa labas nang kotse habang naka kunot ang noo.

“Hm. Kahit sa mall na lang.” Sagot ko habang pilit na kinukuha ang atensyon niya mula sa labas.

I know who he’s watching. Si Von ‘yon na inihatid ako sa labas dahil sa dami kong dala at sakto naman na ang kotse ni Von ay nasa malapit lang din. We’ve been talking about Von since natanong niya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit tuwing nakikita niya ay parang umaasim ang suplado at gwapo niyang mukha.

He nodded bago nag umpisang mag drive. Nanatili ang titig ko sa kanya.

“How’s your work?” Tanong ko

“Fine,” Sagot niya naman

Ngumuso ako at nilingon ang labas. Nag aagaw na ang liwanag at dilim sa langit at kitang kita na ang buwan mula ‘don.

“Why don’t we just eat in your condo?” Tanong ko at nilingon siya

Isang beses niya lang akong sinulyapan habang may kunot sa kanyang noo. “Is that what you want?” Tanong niya

I nodded, “Well, okay lang naman. But if you’re tired to cook, we can just go to the mall.”

Umiling siya, “I’ll cook for you.”

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niyang nasa gearstick. Napatingin din siya ‘don bago muling bumaling sa kalsada.

We’re always eating outside at hindi pa nangyari na ako ang pinagbayad niya kahit na gusto kong hati kami sa gastos. I know that he’s working to save money dahil sabi nga niya, gusto niya nang sariling condo na hindi galing sa pamilya niya. I don’t understand it at first pero habang tumatagal ay naiintindihan ko na na gusto niyang gumawa nang sarili niyang pangalan at hindi lang dahil sa pangalan na ibinigay ng magulang niya sa kanya.

Last week, inihatid namin sila Mommy at Daddy sa airport dahil pabalik na silang Russia kasama si Tris at Mico. Si Ate Luna naman ay kahapon umalis kasama si Ate Sol dahil may mga kailangan pa raw silang gawin.

Luke cooked our food while I stay quiet watching him. Hindi ko alam kung paano niya natutunan ang mga ganyan bagay kung sobrang yaman naman nila. I’ve been to their mansion at kahit na wala naman ang mga magulang niya nang nag punta ako, kitang kita ko naman ang karangyaan nang buhay niya.

Simula sa mansion nila, sa ganda ng interiors nang mga iyon, iba’t ibang kotse na naka hilera sa kanilang malaking garahe hanggang sa dami nang mga kasambahay nilang nag lilinis at tumutugon sa mga gusto nila.

Cigar Series I: Cigarettes & WinesWhere stories live. Discover now