Chapter 7

190 15 1
                                    

CHAPTERS AHEAD ON PATREON.
www.patreon.com/officialwhosthatgirl
-----------------------------------------------

Mabilis na nagdaan ang December hanggang muling mag start ang klase ng second semester. It was too fast na kahit gustuhin kong 'wag na muna ay hindi naman pwede.

Sa Russia ako nag new year dahil request ni Mommy. Hindi kasi sila naka uwi kaya ako na lang ang pinapunta nila kasama si Ate Luna.

Bumalik lang ako nang Pilipinas nang mag start na ang enrollment. Madami din akong kinailangan bilhin para sa mga subjects na alam kong duguan na sa materials. I also don't like seeing myself out of stock.

Ugali ko na ata talaga na mag panic buying kapag nakikita kong ubos na ang mga art materials ko. I love arts and fashion kaya ang ugaling 'to ay hindi ko na nabago pa.

Last sem na din ni Luke ngayon kaya kahit medyo malungkot ay naexcite naman din ako dahil makikita ko na din siya. Christmas ang huling pagkikita namin, after that wala na akong naging balita.

"Iba talaga carbon dioxide sa Russia, 'no?" Tanong ni Aira sa'kin habang nasa canteen kami.

One week after start ng classes ay hindi ko pa rin nakikita si Luke but I heard that he got into a fight with a law student sa isang bar around Tomas Morato. Hindi ko alam buong kwento but I'm hoping he's still intact.

"Nagbago ka ba ng skin care?" Tanong ulit ni Aira.

"Hindi," Kumunot pa ang noo ko sa kanya, "Parehas tayo ng skin care."

"Oo nga. Parehas tayo. Pero bakit parang defective ang akin? May nagbago talaga!" Aniya

Natawa ako, "Wala. Baliw ka. Kung ano ginagamit ko, 'yon din 'yong binigay ko sa inyo nina Ozel."

"Pero bakit ganyan? Lalong naging flawless mukha mo?"

Naupo na kami sa isang table habang inilalapag ang tray na dala dala namin.

"Baka 'yong nilalagay ni Mommy na egg sa mukha ko every morning." Sagot ko

Ngumuso siya, "Effective ba 'yon? Baka ma-allergy lang ako."

"Try mo kaya muna bago mo gamitin sa face mo. Bukod 'don, wala na naman akong ginamit na iba... Pati kasi fresh ang hangin dun."

Ngumuso siya bago buksan ang bottled water niya, "Nye. Hangin pa lang luge na."

Natawa ako at nag umpisa nang kumain habang nag kukwento nang nangyari sa'kin sa Russia. Nag kwento din naman si Aira nang pag punta niyang Ilocos.

"I saw Luke yesterday. Nag kita na kayo?"

Naikwento ko na din kay Aira ang tungkol sa pagkikita namin ni Luke 'nong Christmas kaya may ideya na siya sa mga pangyayari. Wala din naman akong ibang pwedeng pag kwentuhan nang mga kalokahan ko bukod sa kanilang tatlo nina Jaréa.

Besides, I have to apologize to them dahil nag effort sila na mag punta sa bahay tapos walang tao. Nasa Tagaytay ako. Nag lobat naman cellphone ko kaya kahit ang daming tawag at text messages ay wala na akong nabasa pa.

Umiling ako, "Hindi pa. Alam ko may practice sila ng basketball ngayon?"

I asked Kier about his new schedule at ibinigay naman agad niya sa'kin. Pati ang address nang pinag o-OJT-han niya ay naibigay na din sa'kin.

"Hindi ko lang alam. Hindi ko pa kasi nakikita si Troy. Busy sa OJT, e."

I nodded and started eating while Aira starts telling me about how her class started. Magkaiba kasi kami ng course at malayo ang building niya kesa sa'kin.

Cigar Series I: Cigarettes & WinesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ