Chapter 17

131 5 2
                                    

CHAPTER AHEAD ON PATREON.
patreon.com/officialwhosthatgirl
-------------------------------

"Aeria!"

Napalingon ako kay Von na tumatakbo palapit sa'kin pagkatapos kausapin ng isang classmate rin naming pagkatapos ng klase. He smiled at me. Simpleng puting t-shirt at maong pants lang ang suot nito at ang buhok ay maayos ang pagkakasuklay.

Ngumiti ako sa kanya at inantay siyang makalapit sa'kin. He stopped beside me as he pulled his bag on his shoulder.

"May gagawin ka ba ngayon?" Tanong niya

Kumunot ang noo ko, "Hmm. Bakit?"

Napakamot siya ng batok saka mas lumaki ang ngiti, "Wala naman. Aayain lang sana kitang mag kape kung wala kamng gagawin."

Ngumuso ako at nag umpisa na muling mag lakad. Sumunod naman siya sa'kin, "May lakad ako ngayon."

"Ganun ba?" Malungkot na saad niya, "Kung ganoon, sa susunod na lang pala."

Ngumiti ako at saka siya sinulyapan, "Oo naman. Sa susunod."

He nodded saka bumagsak ang tingin sa mga dala dala ko, "Tulungan na kita. Saan ka ba papunta ngayon?"

Kinuha niya ang ilang librong dala ko kahit na balak ko sanang umangal ay wala na rin naman akong nagawa. Tinitigan ko na lang ang mga libro kong walang kahirap hirap niyang dinala gamit ang isang braso.

"Sa parking lot. Susunduin kasi ako." Sagot ko, "Ikaw ba?"

"Sakto pala. Papunta rin akong parking lot. Do'n ko kasi pinark ngayon ang sasakyan ko."

I nodded and smiled at him, "Balita ko bago ang sasakyan mo ha?"

Nginitian niya ako at bahagyang nag iwas ng tingin sa'kin, "Hindi naman," Natatawang sagot niya, "Bumigay kasi 'yong dating dinadala ko kaya humiram na muna ako sa kapatid ko."

I nodded and smiled at him. Napansin ko kay Von ang pagiging mahiyain niya kaya naman hindi na bago sa'kin kapag nahuhuli ko siyang namumula mula leeg hanggang tenga. I laughed a bit and he just smiled again.

Nag kukwentuhan lang kaming dalawa hanggang makarating sa parking lot. Di-diretso sana ako sa sasakyan ko nang sabay kaming magulantang sa gulat ng malakas na bumusina ang isang itim na Fortuner. Kumunot ang noo ko habang tinititigan ang sasakyan nang bumukas ang driver's seat at iniluwa no'n si Luke na galit akong tinignan saka bumagsak ang galit na mga tingin sa katabi ko.

Ngumiti ako sa kanya habang parang halos padabog pa si'yang lumapit sa'kin. Dahan dahan kumunot ang noo ko sa kanya.

"Are you done?" Galit na tanong niya habang ang mata ay naka tingin pa rin kay Von.

Nilingon ko si Von na nag iwas din ng tingin kay Luke at bumaling sa'kin.

"Yep!" Sagot ko at muling ngumiti kay Luke

He nodded at me bago kinuha ang mga gamit ko kay Von, "Ako na!"

Nagkatinginan kami ni Von nang padabog na kinuha ni Luke ang mga gamit kong hawak hawak niya. Napakamot ng ulo si Von kaya awkward akong napangiti.

"Aren't you done yet?" Tanong ni Luke kahit na ang tingin niya ay sa paglalagay ng mga gamit ko sa loob ng sasakyan niya

Mabilis akong nag paalam kay Von at sumunod na kay Luke. He opened the front seat for me and when I got in, hindi na niya ako nilingon pa pagkatapos niyang isarado ang pintuan at umikot para pumasok naman sa drivers' seat.

Tahimik siya habang nag da-drive at wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang tignan siya at nang hindi na makatiis ay hinawakan ko na ang braso niya na mabilis naman niyang nilingon.

Cigar Series I: Cigarettes & WinesWhere stories live. Discover now