Chapter 15

122 8 0
                                    

CHAPTERS AHEAD ON PATREON
patreon.com/officialwhosthatgirl
-----------------------------------------

Mahigpit kong hinawakan ang box ng regalo ko para sa kanya ngayon araw. Today is his graduation day at dahil nasa iisang school lang naman kami, sobrang sobrang proud ko na malaman na siya ang Magna Cum Laude. Hindi nga ako makapaniwala dahil hindi naman halata sa kanya. Mukha nga siyang basagulero lang! Tipong pumapasok lang para mang bully, ganon ang tingin ko sa kanya pero syempre, gwapong bully.

"Hi Aeria!"

Nilingon ko ang bumating si Macey Hera Ramirez. Malaking ngiti ang iginawad ko sa kanya at binati rin.

"Kumusta?" Tanong ko nang makalapit.

"Ayos naman. Inaayos ko pa requirements ko for graduation. Ikaw?"

"Ayos lang din. Busy masyado. Saan ka na ngayon?" Tanong ko

May tinuro siya na sinundan ko naman pero hindi ko makita, "Paalis na ako. Kinuha ko lang ibang requirements ko."

Tumango tango ako sa kanya, "Ah! Hindi ka na ba manonood ng graduation? Nandoon sina Celestine?"

Umiling siya, "Hindi na. Nagmamadali rin kasi ako. Mauna na ako sayo. Nice to see you!" Aniya bago kumakaway sa'kin habang tumatakbo palayo

Kumaway na lang din ako at nag patuloy nang mag lakad papunta sa locker rooms. May kukunin lang ako dito na ilang papeles na kailangan bago dumiretso na sa kung saan gaganapin ang graduation nila Luke.

Nakausap ko na sila Ozel kung pupunta ba sila at um-oo naman sila kaya mag kikita kita na lang kami. Aantayin ko na lang si Aira ngayon para sabay na kami dahil may kinuha rin siya ngayon sa registration. Mabilis lang naman ang ginawa kong pag kuha nang mga gamit sa locker at bumalik na rin sa parking kung saan naka park ang sasakyan ko. Aira's already there waiting for me while talking to someone on her phone. Bago pa ako makalapit ay naibaba na rin naman niya agad.

"Naka bili ka ba ng regalo mo?" Tanong niya habang napa hinto kami sa traffic.

Tumango ako, "Oo. Last week pa. Pina gift wrapped ko na lang kanina kasi nakalimutan ko."

"Anong binili mo?" Tanong ni Aira habang nag aayos ng make up niya habang gamit ang sun visor. "Don't tell me bumili ka lang ng t-shirt?"

Umiling ako at nag maneho na ulit, "Baliw! Syempre hindi!"

Nilingon niya ako, "Anong binili mo?"

Ngumiti ako bago iliko ang sasakyan sa parking lot ng CCP.

"I bought him a Rolex watch." Mayabang na saad ko

Nanglaki ang mata niya sa'kin, "Rolex?!" Gulat na gulat na tanong niya.

Inayos ko ang pagkaka park ng sasakyan ko saka siya nilingon. Naka titig lang sa'kin si Aira na para bang nahihibang na naman ako. I rolled my eyes on her.

"Yes, Rolex."

Napa kurap kurap siya bago napaa iling at ibinalik na ang mga gamit niya sa bag saka muling tinignan ang sarili sa sun visor. I did the same saka nag lagay ng lipstick.

"Kung makapag regalo ka akala mo naman boyfriend mo 'yong tao."

Napa tigil ako at nilingon siya. Kunut na kunot ang noo ni Aira habang umiiling. Nilingon niya ako.

"Alam mo, ang nega mo talaga. Kailangan may label muna bago mag regalo?"

"Oo lalo na kung ganyan kamahal!"

"This is nothing, Aira. It's just a gift."

Umirap siya, "Just a gift for a friend? Magkano isang Rolex? Don't tell me ginalaw mo 'yong ipon mo for that?"

Cigar Series I: Cigarettes & WinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon