Chapter 10

329 20 3
                                    

CHAPTERS AHEAD ON PATREON.
www.patreon.com/officialwhosthatgirl
-----------------------------------------------

Nanatili sa isip ko ang sinabi ni Luke buong maghapon. Did he get into a fight because of the bracelet? Sabi niya, Drew stole it from him and that there's another reason pa.

Kaya naman nang makauwi ako ay agad kong hinanap kung saan nakalagay ang bracelet. It was indeed a very nice bracelet. Lalo't may pangalan ko pang nakalagay 'don. Sobrang personalized.

When Drew gave it to me, I appreciate it the first time ngunit dahil ayaw kong bigyan nang malisya ay mas pinili kong 'wag isuot at itago na lang. And now that the truth was revealed, and knowing that Luke was the one who really bought it, I appreciated it more.

Ngunit nakakapanghinayang na magagawa ni Drew ang bagay na 'yon and for what? To tease Luke? To have a fight with him? To impress me? Stealing things that weren't yours, to begin with, will never impress me.

Sayang.

Itinabi ko 'yon muli sa drawer saka nag ayos nang sarili pagkatapos ay dumiretso na sa kusina para makapag meryenda bago ko umpisahan ang ilang mga gagawin ko.

Nagdaan pa ang mga araw at naging madalas ang pagkakita ko kay Luke t'wing lunch break ko. He always insists to see me at the kiosk near the soccer field. Palagi na din siyang may dalang lunch para sa'ming dalawa.

Hindi ko pa naibibigay ang bracelet sa kanya dahil sa t'wing ibibigay ko palagi niyang sinasabi na kukunin na lang niya.

Parehas lang din naman. Pinapahirapan pa niya buhay niya.

From: Luke
I can't eat lunch with you today. I'm sorry. See you tomorrow.

Ngumuso ako pagkatapos basahin ang text message niya. Okay lang naman sa'kin at alam kong hindi ako pwedeng masanay sa mga ginagawa niya. He still doesn't like me at baka nga past time lang ako para sa kanya.

"Sino?" Tanong ko kay Aira habang nakakunot ang noo

Nagkibit balikat siya, "Sabi ni Arianna, nag di-date daw sila ni Luke. Ewan ko kung totoo. Alam mo naman 'yong babaeng 'yon, half amerikana pure assumera ang lahi."

"Paano niya nasabing nag di-date sila? Sobrang busy kaya ni Luke sa OJT."

"Nag padala daw ng lunch si Luke 'nong nakaraan sa ospital para sa kanya."

Ngumuso ako. There are possibilities that what Arianna said is true. Kahit na sabihin kong magkasama kami ni Luke palagi t'wing lunch, hindi malabo na padalhan nga niya ito.

Hindi na bale. Basta ang mahalaga, alam kong may progress na. Alam kong konting konti na lang ay mahuhulog na din sa'kin si Luke.

Mabilis kong tinawagan ang driver para ibili ng lunch si Luke at ideliver 'yon sa office niya. Baka kasi sobrang busy niya, hindi na siya kumain pa.

Nagpaalam na ako kay Aira at dumiretso na sa locker ko para kunin ang canvas na ipapasa ko ngayon.

"Aeria,"

Napalingon ako kay Drew na nakatayo ngayon sa'king harapan.

"Yes?" Tanong ko bago tumayo. Wala naman akong dapat ikasama nang loob kay Drew dahil wala naman kaming pinag awayan at hindi naman big deal sa'kin ang tungkol sa bracelet.

'Yon nga lang ay mali ang ginawa niya.

Nagkamot siya ng ulo, "I just want to ask for forgiveness,"

Kumunot ang noo ko bago siya hinarap ng maayos saka isinandal ang canvas sa locker ko.

"Is this because of the bracelet?" Tanong ko

Tumango siya, "Alam kong alam mo na ang tungkol 'don but I also want to clear my side."

Cigar Series I: Cigarettes & WinesWhere stories live. Discover now