Chapter 9

200 15 6
                                    

CHAPTERS AHEAD ON PATREON.
www.patreon.com/officialwhosthatgirl
-----------------------------------------------

Kalat na kalat sa buong school ang nangyari sa isang bar nitong weekends tungkol sa suntukan ni Luke at Drew.

Alam ko na ang nangyaring 'yon dahil nabalitaan ko na agad kay Ozel na ikinuwento sa'kin. I don't know how she knew the details ngunit nag papasalamat ako na kahit papaano ay nalaman ko. I was busy the whole weekend on Luke's portrait dahil malapit na ang pasahan 'non.

I want it perfect or kahit near perfect na lang dahil si Luke naman 'yon. Kaya talagang pinagtutuunan ko ng pansin.

Lalo na't malapit na examination week at napupuno na naman ako ng mga hindi tapos na projects. I need to double time.

Dumiretso ako ng locker ko habang maingay ang ibang estudyante na naguusap usap tungkol sa nangyaring gulo. It was beyond school premises naman so I think, kahit rinig sa buong campus ay hindi naman na sila mapapatawag ng Dean.

I take my time fixing my things habang pilit din pinapakinggan ang usapan ng dalawang estudyanteng babae sa tabi ko.

"Si Luke daw ang naunang sumugod."

"Hindi! Nandoon kaya kami. Grupo nila Drew ang nauna. Kakadating nga lang nila Luke nang lumapit sila Drew."

"Bakit nilapitan?"

"Ewan ko. Nandun kasi si August din. Baka balak gumanti."

"Tapos?"

"Ayun. Umingay sa part nila tapos napikon ata si Luke kinwelyuhan si Drew. Nakarinig na lang kami ng ingay sa side nila."

"Sabi ni Keirra sa parking lot daw nag suntukan."

"Oo. Madaming tao na kaya hindi ka kami lumapit."

"Ano kayang dahilan?"

"Sabi nung ibang nandoon ay tungkol daw sa babae pero mukhang hindi naman dahil puro lalaki lang ang nandoon."

Isinarado ko ang locker ko at lumapit na sa kanila. Hindi ko na talaga kayang hindi makichismis sa kanila lalo na't kilala ko naman parehas ang involved.

"Bakit daw nag away?" Tanong ko

Napalingon sila sa'kin bigla. Ang isang kulot ay humarap sa'kin habang hawak hawak ang libro niya.

"Sabi ng iba ay dahil daw sa babae habang ang sabi naman ng iba ay dahil ginustong makaganti ni August." Aniya

"Sabi pa nga ng iba ay nabastusan daw si Luke kaya naghamon ng away." Sabi naman nung isang morena

"Lasing daw ba?" Tanong ko

"Hindi naman. Kadadating lang ni Luke 'nong lumapit 'yong grupo nila Drew." Sagot 'nong kulot

"Ang dami na kasing kwento na lumabas kaya hindi na alam kung ano ang totoo." Sabi naman ng morena

"Sino ang nabugbog? Si Luke o si Drew?" Tanong ko

"Sa laki ng katawan ni Luke kumpara kay Drew, napaka imposible na mabugbog si Luke." Sagot 'nong morena.

Napatango ako. May point naman siya. Tignan pa lang 'yong katawan ni Luke sobrang yummy na tapos sobrang laki pa. Minsan naiisip ko, malaki kaya talaga siya?

Nagpaalam na ako sa dalawa at tumakbo na sa klase ko. Hinayaan ko na lang sila dun. Kahit naman mabugbog si Luke ay hindi na dapat ako mag alala. Kaya naman niya ipag tanggol ang sarili niya.

Nakinig lang ako buong klase namin habang binabasa ang text messages ni Ozel. I texted her to ask about what happened. Akala ko naman ay busy ang isang 'to pero ito at panay chismis pa sa'kin.

Cigar Series I: Cigarettes & WinesWhere stories live. Discover now