Chapter 13

121 10 0
                                    

ONE CHAPTER AHEAD ON PATREON.
patreon.com/officialwhosthatgirl

---

Nasa hagdan pa lang ay nakita ko na agad si Luke kausap si Daddy. Sa tabi ni Daddy ay si Ate Luna habang may hawak na baso. Sa tabi ni Luke ay ang bunsong kapatid ko na si Mico na naka titig din sa kanya. Wala si Mommy at si Ate Sol. Kumunot ang noo ko.

Umangat ang tingin ni Ate Luna sa'kin saka siya ngumiti kasabay nang pag angat nang tingin ni Daddy at Luke sa'kin.

"Aeria, hija," Saad ni Daddy saka itinaas ang kamay para sa'kin.

Kinagat ko ang labi ko lalo nang nagkatinginan kami ni Luke. Nakababa na ako at nasa harapan na nya ngunit ang titig niya ay hindi pa rin naaalis sa'kin. He's wearing a white button-down shirt and black slacks. The hem of his sleeves is already folded up to his elbow.

"Maiwan na muna namin kayo." Sabi ni Daddy saka inaya si Mico papuntang kusina. Nag paalam na rin si Ate Luna at dumiretso sa study.

Kinagat ko ang labi ko at inimwestra ang sofa sa kanyang likod para maupong muli.

Hindi niya 'yon pinansin at mariin ang titig sa'kin, "You're avoiding me,"

It's not a question. Kinagat ko pa lalo ang labi ko at bumuntong hininga. Umiling ako sa kanya at naupo sa malayong sofa mula sa kanya. Kitang kita ko ang pag kunot ng noo niya sa pagkakaupo ko bago siya naupo sa sofa na nasa likod niya.

"Busy lang talaga ako nitong mga nakaraang araw,"

"It's been weeks, Aeria."

Tumango ako, "Nag sunud sunod kasi talaga. Sobrang busy lang besides you're busy, too—"

"Too busy to even see me for a second."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Mabilis akong umiling, "Hindi ah!"

"Tss..." Suplado niya akong inirap bago sumandal.

"Totoo nga. Madami lang talaga akong kailangan tapusin. Sorry,"

Umirap siya at umiling, "You avoided me since the video came out."

Napalingon ako sa kanya at naabutan ko siyang nakatitig sa'kin. He licked his lower lip before continuing.

"You probably saw the video of me and Arianna—"

"It's okay." I laughed awkwardly, "Hindi mo naman kailangan mag explain tungkol 'don."

Dumilim ang titig niya sa'kin dahilan para mapawi ang pekeng ngiti sa mukha ko. He licked his lower lip again and continued speaking.

"That video was almost a year ago."

Napa irap ako, "That's fine, you know." I awkwardly chuckled even though I can feel something in my throat, "I have no say about your girlfriends. Either from the past or the present one."

Umiling siya, "I have no girlfriend."

I nodded, "Yeah, I understand."

Umawang ang bibig niyang napatingin sa'kin. Titig na titig siya sa mga mata ko dahilan para mauna na akong mas iwas ng tingin.

"You don't understand."

Nairita na ako, "I said I understand!"

"If you do, why are you avoiding me then?"

Umawang ang bibig ko, "Hindi nga kita iniiwasan,"

Tumaas ang kilay niya at suplado akong tinitigan, "Really?"

Umirap ako at humalukipkip, "Bahala ka nga d'yan!"

Sumandal ako at isang beses siyang nilingon. Naabutan ko siyang parang namamanghang naka titig sa'kin. Inirapan ko siyang ulit bago mag iwas ng tingin. Sakto naman na lumabas si Mommy galing kitchen. Naka ngiti na siya nang bumungad sa'min ni Luke. A plain white apron covering her designer dress.

Cigar Series I: Cigarettes & WinesWhere stories live. Discover now