Chapter 16

115 9 1
                                    

CHAPTERS AHEAD ON PATREON
patreon.com/officialwhosthatgirl
-------------------
-------------------------

From the very beginning I know what the difference between me and Luke is. Alam na alam ko kung gaano ka-laki, ka-saya, at ka-kulay ang mundo niya. Isa pa 'ron ang malaman na isa siyang anak mayaman. May ari-arian sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Sa Luzon, sa Visayas, at sa Mindanao. Ang mga ari-arian sa Davao, Panay, Ilo-Ilo, Batangas, Palawan, Maynila, hanggang sa bandang Norte at kahit na sa ibang bansa ay mayroon din.

Mas malaki at mas malago ang kompanya nila kesa sa'min. He is the heir of the Empire that has been sailing the business industry for more than a decade and now, gumagawa na rin siya ng sarili niyang pangalan sa kabila ng pangalang matagal nang ginagamit.

Ang mga sumunod na buwan ay ganoon lang hanggang mag pasukan na ulit. Buong summer naman ay mag kasama kaming dalawa. Kung hindi kami nag iikot sa Batangas para sa iilang motor race niya ay nasa beach naman kami somewhere in Nasugbu, Alangilan, or kahit ang lugar kung saan sikat at dinadayo para sa snorkeling. Minsan naman ay nasa bandang Norte kami umiikot. Napag kakasya namin ang mga araw na magkasama sa loob lang ng tatlong buwan at sa pagitan nang mga araw na hindi siya abala.

Kaya sobra ang tuwa sa puso ko kapag nasa labas siya nang bahay at inaanatay ako dahil alam kong pupunta na naman kami sa isang lugar na alam kong magiging masaya akong muli. Alam naman ni Mommy at Daddy ang nangyayari sa'kin at minsan, sila na mismo ang kumakausap kay Luke tungkol 'don kaya ayos lang din.

Wearing a simple t-shirt and shorts, ngumiti ako nang lumapit sa kanya. Pinasadahan ko siya nang tingin.

Isang puting t-shirt, maong pants at boots lang ang suot niya at wayfarers. Ang gwapo kahit na sa isang simpleng suot lang naman!

"You done?" Tanong niya

Tumango ako sa kanya at bahagyang hindi nagustuhan na hindi ko makita ang mga mata niya ngayon. "Yep! Tara na?" Tanong ko

Tumango siya bago ako inunahan na umikot. Sumunod naman ako sa kanya at naabutan siyang pinag buksan pa ako nang pintuan ng kanyang sasakyan na Range Rover. Pumasok ako 'ron at mabilis naman niyang isinarado ang pintuan. Nilingon ko ang likuran ng sasakyan at nandoon na nga ang mga gamit ko. Maayos na nakapatas. Wala 'ron ang bag niya, siguro'y nasa likuran ng sasakyan.

"Saan tayo ngayon?" Tanong ko

Noon, palaging isang araw lang ang byahe namin. He'll make sure to bring me home even though it's late. Aniya, mas okay nang ganoon kesa ang manatili kami sa isang lugar at hindi pa alam ng parents ko. Not that they care where I go, though. I understand his point at hindi naman ako tutol sa kahit na anong gusto niya. Kaya nang malaman ko na mag oovernight kami, sobra ang excitement ko. This is the first time!

"Just Baguio." Aniya

Tumango ako at ngumiti. Nilingon niya ako at ngumiti rin. Nagulat ako ng bigla naman siyang lumapit sa'kin. Halos isandal ko ang sariling likuran sa inuupuan habang palapit naman niya. I closed my eyes in anticipation of his kiss. Ngunit taliwas sa iniisip ko, hindi niya ginawa. I heard him chuckled as I felt my seatbelt chained on me. Napadilat ako sa kahihiyan kasabay ng pag bilis ng puso ko sa nangyari. Oh damn! Nakakahiya!

"Seatbelts, please." Aniya

"Right," Saad ko sabay kagat sa ibabang labi.

Nagkatinginan kaming dalawa bago siya nakakalokong ngumiti at bumalik sa pwesto niya. I fake cough para maibsan ang awkwardness na nangyari saka bumaling sa labas. Hindi naman na nagtagal ay umandar na rin kaming dalawa.

"I bought snacks. You can eat that if you're hungry." Aniya

Tumango ako, "Busog pa naman ako. Hindi ka ba gutom?" Nilingon ko siya

Cigar Series I: Cigarettes & WinesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang