Chapter 4

191 12 0
                                    

CHAPTERS AHEAD ON PATREON.
www.patreon.com/officialwhosthatgirl
-----------------------------------------------

"What's happening here?"

Nanglaki ang mata ko at parehas napatayo ang dalawang gwardiya nang marinig ang boses ni Luke. Naka tayo ito ngayon sa pintuan nang guard house habang naka halukipkip.

"S-sir!" Saad ni Manong guard na gulat na gulat, "May regalo lang po si Ma'am na ipinaabot sa inyo."

Nilingon ako ni Luke at mas lalong kumunot ang noo niya sa'kin. Awkward akong ngumiti sa kanya.

"H-hi!" Bati ko

Napailing siya bago iniabot ng guard ang regalo ko sa kanya. Kinuha niya 'yon bago lumingon sa paligid.

"Turn off the CCTV and open the gate." Saad ni Luke

"Pero Sir! Pagagalitan kami ni Madame!" Angal nang isa

"Hindi kayo pagagalitan kung susundin niyo ang sinabi ko. It's just a split second. Hindi mapapansin."

Lalong kumunot ng noo ko sa nangyayari. Wala akong naiintindihan bigla. Bakit nga ulit ko nandito?

Walang nagawa ang dalawang guard kung hindi ang sundin ang gusto ni Luke. Nasa may gate si Luke nang dahan dahan bumukas ang malaking gate. Hindi pa man nakakabukas nang maluwag ay lumabas na si Luke at sinenyasan ang mga guard na isara na 'yon.

Lumapit siya sa'kin. He's wearing black pants, a white v-neck shirt, and a black hoodie.

"Why are you here?" Tanong niya sa'kin

I lick my lips. Natutuyo na ata.

"Ibibigay ko lang sana sayo 'yong regalo ko." Sagot ko

Tumango siya bago nilingon ang regalo at bumaling sa mga guard sa likod ko.

"Don't tell anyone. Kapag may naghanap, sabihin niyo wala kayong nakita." Aniya

"Yes, Sir." Tugon nang dalawa

Hinawakan ni Luke ang kamay ko at hinila paalis doon. I could feel my stomach starts to twist. Napangiti ako lalo na nararamdaman ko ang init ng palad ni Luke sa pala pulsuhan ko.

"Do you have a car?" Tanong niya

"O-oo. Nandun..." Sabay turo ko.

Nilingon niya 'yon bago kami sabay nagpunta dun. Binuksan niya ang driver's seat, "I'll drive."

Kahit naguguluhan ay ibinigay ko ang susi sa kanya bago umikot sa passenger's seat. He already started the engine while I'm busy fixing my seatbelts.

Hindi naman nagtagal ay nakalabas na kami ng subdivision nila.

"How did you get in the subdivision?" Tanong niya

Naka taas ang paa ko sa inuupuan habang naka tingin sa labas. Nasa EDSA na kami.

"I was just pushing my luck. Buti na lang at dating guard ng subdivision namin 'yong naka duty dun ngayon." Sagot ko saka siya nilingon

Ngumuso siya at tumango. Nanatili ang titig niya sa kalye habang naka hinto kami dahil sa traffic. It's already past 8 in the evening and I'm really hungry.

Nilingon kong muli si Luke. Ang isang kamay ay naka hawak sa manibela habang ang isa naman ay naka tuon sa bintana habang nilalaro ang ilalim na bahagi nang kanyang labi.

"Bakit ka umalis?" Tanong ko

Tumaas ang kilay niya pero hindi siya sumagot.

"Mukhang may party sa bahay niyo for tonight—"

Cigar Series I: Cigarettes & WinesWhere stories live. Discover now