Chapter 18

110 7 0
                                    

CHAPTER AHEAD ON PATREON.
patreon.com/officialwhosthatgirl
-------------------------------------------

The issue about the heirloom ring died. Hindi ko na rin masyadong pinansin dahil nag paliwanag naman na siya at mas gusto kong maniwala sa mga salitang lalabas sa bibig niya kesa sa mga tabloids na hindi naman talaga totoo ang mga sinasabi.

Kalat sa buong campus ang tungkol sa relasyon namin ni Luke. It was funny dahil hindi ko naman pinagsabi ang tungkol do'n pero sadyang may mga matang naka titig sa'min kapag inihahatid ako ni Luke.

A month with a relationship with Luke is smooth sailing. Hatid sundo niya ako habang abala naman siya sa pagtatrabaho sa kompanya nila at nag aaral naman ako. It's fine dahil wala naman kaming pinag aawayan. Hindi naman ako ganoon kaselosa at wala naman akong pinag seselosan bukod sa mga kasamahan niyang babae na kung maka titig sa kanya minsan ay parang hindi nila ako nakikita.

Sanay na sanay ako sa gabi gabi niyang pag kain sa bahay o hindi kaya ay mag di-dinner kami sa mismong condo unit niya at ihahatid niya naman ako pauwi pagkatapos. Abala ako at ganoon din siya kaya naiintindihan ko kapag may mga araw na hindi siya nakaka punta at naiintindihan naman niya kapag abala rin ako at hindi natutuloy ang mga lakad namin.

"You don't have to punch him!" Natatarantang saad ko pagkapasok ng sasakyan niya.

Suplado niya akong binalingan. Ang dalawang braso ay naka yakap sa manibela. Umirap siya sa'kin habang salubong ang mga kilay. It's Saturday today at nag punta akong campus dahil may kailangan akong ipasa. I told him that at sabi niya ay susunduin niya na lang ako dahil may pupuntahan siyang site na kailangan nilang tignan sa umaga.

Maayos naman siyang kausap kanina at nagulat na lang ako ng bigla niyang sugurin si Von at suntukin.

"You should've at least warned me that you'll be with your man!" He almost growls

Nanglaki ang mata ko, "What? What the hell are you talking about?" Litong tanong ko

Binalingan niya akong muli bago umirap at saka walang kahirap hirap na minaneobra ang sasakyan palabas ng parking lot.

"That disgusting man! Akala ko may gagawin ka lang! Na-late lang ako sandali may ibang lalaki na naman na naka aligid!" Galit na galit na saad niya habang diretso lang ang tingin sa daan

"Of course kasama ko siya kasi classmate ko siya. I don't get where this is coming from. Punching someone just because you are jealous—"

"I am not fucking jealous!" His voice thundered

Tumaas ang kilay ko at gusto kong matawa. I pouted to stop myself from laughing. I crossed my arms above my chest and stared at him with amusement, "Alright. You're not jealous. So you're just what? A psycho who wanted to punch someone without any reason?"

"I have a reason,"

Tumaas ang kilay ko, "And?"

"He's with you."

Bumunghalit ako ng tawa at marahas niya akong nilingon at sinamaan ng tingin. Oh, what would I do to you?

And yes, mas seloso si Luke kesa sa'kin. I don't get where he still can get his jealousy when everyone knows that I love only him! Nakuha pa niyang pagselosan ang mga simpleng bumabating mga kaibigan. Bukod sa paminsan minsang pakikipag away niya dahil sa selos niya, wala naman kaming pinag aawayan na malala. I still find his jealousy too cute.

It's my sem-break when we decided to have a two-nights of the out-of-town trip. Mabilis lang dahil abala naman siya sa kompanya nila at marami rin akong kailangan gawin dahil sa OJT ko.

Cigar Series I: Cigarettes & WinesWhere stories live. Discover now